SUNDAY, FEBRUARY 19, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
ENTERTAINMENT
Fans ni David sa iba’t ibang panig ng mundo, susugod sa Pinas!
Rhian, dadalo sa red carpet premiere ng ‘The Road’ sa California
 Jojo Gabinete
 

Dadalo si Rhian Ramos sa red carpet premiere ng The Road sa Kodak Theater, Hollywood, California.

Ang The Road ang critically-acclaimed movie ng direktor na si Yam Laranas at ng GMA Films.


Napansin sa Hollywood ang The Road dahil sa joint effort ni Yam at ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.

Makakasama ni Rhian sa red carpet premiere ng The Road sa Kodak Theater ang ibang mga artista ng pelikula na pinuri ng mga international film critic.


***


Nabuhay ang interest ng mga Pilipino sa Nandito Ako, ang 23-year-old hit song ni Ogie Alcasid dahil sa cover version ni David Archuleta na ginamit na theme song sa miniseries ng TV5 na pinagbibidahan ng American Idol Season 7 runner up.


Nagustuhan ng mga Pinoy ang cover version ni David dahil sa mahusay na pagkakaawit niya sa sikat na Filipino love song.


Naririto pa sa Pilipinas si David at kahit saan siya magpunta, ang kantahin niya ang Nandito Ako ang request ng kanyang Filipino fans.


Bukod sa miniseries ng TV5 na tinatampukan ni David, ito rin ang bagong celebrity endorser ng Bench at image model ng Bench Fix Salon.


Nalaman agad ng fans ni David sa ibang panig ng mundo ang kanyang mga bagong endorsement at dahil sa sobrang paghanga sa young American singer, may mga nagpaplano na lumipad sa Pilipinas para personal na makita ang Bench billboards ng kanilang idolo.


Hindi na kailangan ng fans ni David na magpaka-OA at gumastos. Puwede nilang makita sa Internet ang mga photo shoot ni David para sa Bench at Bench Fix Salon. Magpakatotoo sila...


***


Si Aaron Paul del Rosario at hindi si Ogie Alcasid ang writer-compo­ser ng Nandito Ako. Naninirahan na si Aaron Paul sa Amerika at mala­king karangalan para sa kanya na ni-revive ni David Archuleta ang composition niya.

Nabasa namin ang kuwento ni Aaron Paul na nangarap siya na kantahin ni David ang isa sa mga kanta na isinulat niya noong contestant pa lamang ng American Idol Season 7 ang young singer.


Hindi naisip o inakala ni Aaron Paul na darating ang araw na magkakatotoo ang kanyang pangarap.
Nagpasalamat si Aaron Paul kay David dahil sa magandang cover version nito sa Nandito Ako. Umaasa rin siya na magkakaroon sila ni David ng pagkakataon na magkakilala nang personal.


***


Ang magpatuloy ang maayos na takbo ng kanyang showbiz career ang dasal ng young singer-actor na si Nomer Limatog, Jr. na nakilala ng publiko nang sumali siya sa Protege, ang talent search show ng GMA 7.


Maging professional singe­r lang ang pangarap ni Nomer. Ayaw niya na mag-artista pero nagbago ang kanyang desisyon nang isali siya sa cast ng Biritera, ang top rating primetime show ng Kapuso network.


Taga-Cebu ang pamilya ni Nomer at napilitan sila ng kanyang ina na manirahan sa Quezon City mula nang maging mainstay siya ng Party Pilipinas at Biritera.


Mahirap ang sitwasyon ni Nomer at ng kanyang ina dahil malayo sila sa kanyang ama at ibang mga kapatid. Hindi na nakakauwi sa Cebu ang mag-ina dahil sa mga showbiz commitment ni Nomer.


May trabaho ang tatay ni Nomer. Hindi siya ang breadwinner ng pamilya kaya ine-enjoy daw niya ang kanyang showbiz career. Si Arnel Pineda ang idol ni Nomer sa pagkanta at favorite song niya ang Don’t Stop Believing dahil sa positive message nito.


Nagkakaisa ang entertainment press sa paniniwala na malayo ang mararating ni Nomer sa showbiz dahil sa kanyang outstanding ta­lent pero mangyayari ito kung maalagaan siya.


***


Nanay ni Alex Gonzaga ang ginampana­n noon ni Alice Dixson sa Babaeng Hampaslupa ng TV5. Ang Isang Dakot Na Luha ang bagong project ni Alice sa Kapatid network at nanay uli ang role niya pero si Danita Pane­r naman ang gumaganap bilang kanyang anak.


Pang-hapon na programa ng TV5 ang Isang Dakot Na Luha.


Ipinangangako ni Alice na magugustuhan ng televiewers ang kuwento ng afternoon show na reunion project nila nina Jay Manalo at Karel Marquez dahil sila ang magkakasama noon sa Babaeng Hampaslupa.

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.5800
Bahrain Dinar 113.004
Euro 55.9564
HK Dollar 5.49147
Japan Yen 0.535288
Saudi Riyal 11.3532
S’pore Dollar 33.8286
Taiwan Dollar 1.44183
UAE Dirham 11.5968
UK Pound 67.4106
COLUMNIST OF THE DAY
Ang pagsisinungaling ay panloloko

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section