www.abante-tonite.com
 
 
 

Luis, virgin!

 

Nakakatuwa ang mga billboard ngayon, dahil kahit anong klaseng produkto ang ibinibenta, ang seksing katawan ng mga endorser nila ang makikita mo.


Sa mga pictures ni Luis Manzano na naglalabasan ngayon bilang endorser ng Kremil, ang seksing katawan niya ang ipinapakita.


At sa totoo lang, magandang panghatak ang la­rawan ni Luis para maengganyo kang uminom ng Kremil, dahil ang ganda ng katawan niya, ha! At ang kanyang dalawang korona ay pink na pink talaga, ha! Biro tuloy ng mga manunulat, virgin pa si Luis.


Anyway, sinabi ni Luis na noon ay hyperacidity talaga siya, at madalas ay tinitiis lang niya ang sakit ng kanyang sikmura.


Sobrang busy raw kasi siya, kaya hindi na niya naiisip pang kumain, o kung minsan ay uminom ng gamot.


Mabuti na lang daw at kinuha siyang endorser ng Kremil, kaya sure na siya ngayon na hindi na siya sinusumpong ng kanyang sakit.


“Good thing the Unilab team came along and explained all of these to me.

Ngayon, isa na siyang total convert. I never leave home without Kremil because hyperacidity can attack anytime. And I don’t want to take chances. Better to treat it properly now than be sorry later. Mahirap na magka-ulcer,” sabi pa ni Luis.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section