"If we are not important to them, then they should say so and not leave us hanging.
Binibitin lang nila kami."
Ito ang mensahe kahapon ng United Nationalist Alliance (UNA) sa tatlong common candidates na sina Sens. Francis Escudero at Sen. Loren Legarda at Grace Poe-Llamanzares.
1 BILLION RISING - PILIPINAS
Nakibahagi sa worldwide women action na "1 Billion Rising" ang may 4,000 faculty at estudyante ng St. Scholastica's College sa lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng sabayang pagsasayaw ng Strike Dance Rise. Ang mass action ng kababaihan ay nilahukan ng mahigit 200 bansa sa iba't ibang panig ng mundo, bitbit ang mensaheng: wakasan ang karahasan at pang-aabuso sa kababaihan. (Jonas Sulit)
Sa kulungan na idinaos ng isang menor-de-edad na holdaper at inginusong sumaksak at pumatay sa kanyang hinoldap ang 'Araw ng mga Puso' makaraang maaresto ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) Delpan Community Precinct kahapon sa Port Area, Maynila.
SPORTS
'LINSANITY' DADALAW SA 'PINAS
Maski ang mga Pinoy ay tatamaan na rin ng Linsanity sa mga susunod na araw sa posibilidad na pagdalaw ng NBA partikular na ng Houston Rockets at Indiana Pacers.
Bukod sa kanilang sold-out at successful Valentine concert kagabi sa The Arena, nakadagdag sa saya na nararamdaman nina Pops Fernandez, Martin Nievera, Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang inclusion ng Foursome sa listahan ng 50 cities, 50 last-minute Valentine's dates ng CNN Travel at may introduction na "If your romantic tendencies don't include pre-planning or gift splurging, you're in luck.
Sayang naman at 'di natuloy ang pamumudmod ng Blackwater cologne na ini-endorse ni Senator Sonny Angara nu'ng Sabado na last day ng one week na pagiging judge niya sa Showtime, kasi 'di yata pinayagan 'yun kasi product endorsement or commercial something.
Flowers ang Valentine gift ni Governor Vilma Santos-Recto sa asawang si Senator Ralph Recto kahapon. Siyempre pa, ang senador ang Valentino niya pero hindi na sila nagkaroon ng oras upang i-celebrate ang araw para sa mga lovers.
Himas-rehas ang isang lalaki makaraang ireklamo ito ng kanyang misis na kanyang binugbog at tinangka pa umanong itakin dahil sa pagtanggi ng huli na makipagtalik sa una kamakalawa ng gabi sa Naga City, Camarines Sur.
Sinubukang kitilin ng isang 19-anyos ang kanyang buhay dahil sa kabiguan na magkaroon ng ka-date sa Valentine's Day kahapon.