|
Mahigit isang taong isasara sa publiko ang Manila Cathedral o Church of Our Lady of the Immaculate Conception sa Intramuros, Manila.
Batay kay Manila Archbishop Luis Antonio Tagle, kinakailangang i-repair at isailalim sa restoration ang simbahan matapos makumpirma ang ‘structural concerns’ nito.
Mahalaga umanong kumpunihin at i-rehabilitate ang cathedral para matiyak ang kaligtasan ng mga mananampalataya.
Sinabi ng arsobispo na batay sa pag-aaral at rekomendasyon ni Engr. Angel Lazaro, kailangang mapreserba ang simbahan at mayroon na rin itong mga crack o bitak. Medyo malambot din umano ang lupa kaya kailangang sementuhan at hindi ligtas ang kondisyon ng gusali lalo na kapag may tumamang kalamidad gaya ng lindol.
|