GABAY NG DIYOS

Nagiba ba si Lozada sa February 11 hearing ng Senado? (Part II)
(Grace Velasco)


NANCY CASTRO, employee, Manila: Mahirap magiba si Lozada dahil halata namang pinagtatakpan lang talaga nila kung ano ang totoo para maisalba si GMA.


DANG GARCIA, 28, reporter, radio: Hindi, kasi ang ginawa lang nila (government official) puro denial. Di nila maipaliwanag bakit di idiniretso sa Senate Sgt. at Arms si Lozada knowing na meron siyang warrant of arrest.


EUNICE CELARIO, writer, radio: Hindi. Patuloy siyang lumalaban. Consistent ang mga sinasabi niya.


MARK OBLEADA, reporter: Hindi. Nadadagdagan pa nga ang mga revelations niya. Magaling sumagot si Lozada.


LESLIE NAVAL, 37, tindera, Intramuros Manila: Para sa akin hindi, kasi kahit paikut-ikutin s’ya eh hindi naman nagbago ang mga sinabi niya.


TONIO CRUZ, 41, kutsero, Binondo Manila: Sa tingin ko oo, nakakairita na kasi ‘yung pag-iyak niya eh saka may mga lumutang kasi na ibang bagay na hindi nasabi noong nakaraang hearing.


SHIELA NATIVIDAD, 19, estudyante, Sta. Cruz, Maynila: Hindi no! Lalo lamang nahalata ang kasinungalingan ng mga tauhan ni Gloria kasi pinagtutulungan pa nila si Lozada, nag-iisa na nga lang ‘yung mama. Saka sila nga ‘yung halatang nagsisinungaling eh. Sana galing-galingan naman nila ‘yung pagtatahi ng kwento. Obvious kasi na nagtatakipan lang sila eh.


DOLORES PILAR, 32, teacher, San Miguel Manila: Consistent si Lozada sa mga sinabi niya. Kung ano ‘yung sinabi n’ya noong Biyernes, lalo pa niyang pinatotohanan ngayon sa ikalawang Senate hearing. Wala akong nakikitang lapses sa mga statement niya.


VICKY SANTOS, go­vernment emplo­yee, legal age, Parañaque City: Nakaka-turn off lang ‘yung pagiging crying lady niya, sana bawasan niya ang pag-iyak-iyak.


ADER MARTINEZ, security guard, legal age, Makati City: Lalong lumakas ang kredibilidad ni Lozada. Natural lang na consistent ‘yung mga taga-gobyerno dahil nag-usap-usap na sila, kung baga e scripted na ang mga sinabi nila.


GREGORY FAJARDO, 52, tricycle driver, Bgy. Aduas, Cabanatuan City: Nakaloloko sagot nila lalo na si Mascariñas, talaga kasing dinukot nila si Lozada, nabuking lang sila.


FRED MARQUEZ, 53, Ukay Ukay store owner, Maharlika Highway, Cabanatuan City: Kawawa naman si Atienza, halatang di maiiwas si ES at si Ma’am. Sayang siya. (Itutuloy)


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section