SATURDAY, FEBRUARY 02, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
BALITANG VISMIN
Jalosjos binigo ng SC sa hirit na TRO
  (Juliet de Loza-Cudia)
 

Nanganganib ang convicted rapist at dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos, na tuluyan nang hindi makasali sa darating na 2013 election matapos na tumanggi ang Supreme Court (SC) na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) kaugnay sa ginawang pagdiskuwalipika sa kanya ng Commission on Elections (Comelec).


Ito ay makaraang ibasura ng SC en banc session noong Enero 29, ang 'plea' ni Jalosjos na mag-isyu ang SC ng TRO para payagan siya na makalahok sa halalan sa pagkaalkalde sa Zamboanga.


Sa halip, inatasan ng SC ang Comelec na magpaliwanag sa petisyon na isinampa ni Jalosjos na makasama siya sa mayoralty race ng Zamboanga City.


Nabatid na si SC Associate Justice Estela Perlas-Bernabe ang poponente sa kaso at magsasagawa ng pag-aaral.


Nalaman na noong Lunes, hiniling ni Jalosjos sa SC na huwag katigan ang Comelec En Banc resolution na nagkakansela sa kanyang certificate of candidacy (COC).


Ipinunto ng Comelec sa pagkansela ng kanyang COC ang umano'y 'perpetual disqualification for holding public office' matapos ng pagkakakulong niya sa kasong rape.




Become a fan on facebook
Follow us on twitter

FOREX
US Dollar 40.7000
Bahrain Dinar 107.929
Canadian Dollar 40.7938
Euro 55.4341
Australian Dollar42.3065
HK Dollar 5.24717
Japan Yen 0.441955
Saudi Riyal 10.8641
S’pore Dollar 32.7964
Taiwan Dollar 1.37536
UAE Dirham 11.0923
UK Pound 64.7500
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section