SOBRANG
proud at kiliting-kiliti si Iza Calzado nang makita niya ang sexy
pictorial ng boyfriend niyang si Atticus King sa isang fashion magazine.
Kasi naman, naka-topless ang boyfriend niya, at kitang-kita talaga
ang magandang katawan nito.
Pag-amin ni Iza, nakita na raw niya ang buong katawan ni Atticus
bago pa man ito nag-pose sa magazine. Pero, bago pa man mabigay
ng malisya ang mga manunulat, mabilis niyang sinabi na madalas
silang magkasama sa gym ng kanyang boyfriend, kaya nakikita niya
ito kapag nagtatanggal ng t-shirt.
Kuwento pa ni Iza, wala raw sanang balak ang kanyang boyfriend na
mag-pictorial ng seksi sa magazine. Pero, napilit daw ito ng editor
ng naturang magazine, na kaibigan din nito.
Pero siyempre, panay ang pasalamat ni Iza sa mga press na pumupuri
sa magandang katawan ng boyfriend niya. Sabi pa niya, pinaghirapan
daw ng boyfriend niya ang katawan na `yon, at siya man ay na-inspired
din na magpaganda ng katawan.
Marami nga ang nakapansin sa pagpayat ni Iza ngayon. Sabi nga, mas
sumeksi ito ngayon. Si Atticus daw ang naging malaking impluwensya
niya sa pagpapaganda ng katawan.
Madalas nga raw silang magsabay mag-work out.
Anyway, tiniyak ni Iza na hindi stepping stone ng boyfriend niya
ang pagpu-pose sa magazine para makapasok sa showbiz.
Sigurado si Iza na walang balak na mag-artista o mag-model man lang
ang boyfriend niya. Pero, mahilig daw ito sa music at kung papasok
man ito, ang music daw ang papasukin nito.
Habang kausap namin si Iza, kitang-kita namin ang kakaibang glow
sa kanyang mukha, lalo na kapag nababanggit ang pangalan ng boyfriend
niya.
Pero, nakikiusap lang si Iza na huwag na muna siyang tanungin tungkol
sa kasal, dahil ayaw raw niyang ma-pressure ang relasyon nilang
dalawa ni Atticus.
Gusto raw muna niyang i-enjoy ang nangyayari sa relasyon nila ngayon.
Ayaw raw muna nilang pag-usapan ang tungkol
sa kasal.
Sabi pa ni Iza, gusto niyang mag-feeling 16 years old sa relasyon
nila ni Atticus.
Sabi nga ni Iza, bukod sa pamilya niya, si Atticus ang nagpapakumpleto
ng buhay niya ngayon.
Siyanga pala, napatili nang husto si Iza nu’ng mabanggit ang
pangalan ni Marie Lozano, ang showbiz correspondents ng TV Patrol
sa ABS CBN.
Naging boyfriend kasi ni Marie nu’ng college ang boyfriend
ni Iza ngayon.
Esplika ni Iza, napatili siya nu’ng mabanggit ang pangalan
ni Marie, dahil gustung-gusto raw niya ito, dahil mabait ito sa
kanya.
Matagal na raw niyang alam ang nakaraan nina Marie at ng boyfriend
niya.?Napag-usapan daw nila ito ni Atticus.
Pero, hindi pa alam ni Iza kung mapagu-usapan nila ni Marie ang
tungkol kay Atticus kapag nagkita sila. Matagal na raw silang hindi
nagkikita ni Marie.
Siyanga pala, kasama rin si Iza sa pelikulang Ang Panday, na pinagbibidahan
ni Sen. Bong Revilla.
|