FRIDAY, DECEMBER 14, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
HERBERT, tinawag na lalakeng VILMA ni MOTHER!
 

Sagana sa thrill at suspense ang bagong trailer ng Shake, Rattle and Roll Fourteen, The Invasion na ipinakita sa Christmas party ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa entertainment press sa Wil's Events Place noong Martes.


Dumalo sa Christmas party si Mrs. Lily Monte­verde, ang producer ng Regal Entertainment Inc. na tuwang-tuwa dahil ma­ganda ang mga feedback sa pelikula na official entry ng kanyang movie outfit sa 38th Metro Manila Film Festival.


Si Herbert ang bida sa Pamana, ang unang episode ng Shake, Rattle and Roll Fourteen.

Ikinuwento ni Mother Lily na bilib siya sa talino at sipag ni Herbert kaya malaki ang posibilidad na maging senador o pangulo ng Pilipinas ang actor-politician na binansagan niya bilang Lalakeng Vilma Santos.


***


Kapwa itinanggi nina Julia Montes at ­Kathryn Bernardo ang mga akusas­yon na naging mga prima donna sila mula nang magkaroon ng pangalan sa showbiz at nagbida sa mga television series ng ABS-CBN.


Parehong may mga pelikula na kasali sa ­Metro Manila Film Festival 2012 sina Julia at Kathryn.
Mapapanood si Julia sa The Strangers ng Quantum Films at MJM Productions at kasama sa cast ng Sisterakas si Kathryn.


Ipinaliwanag ni ­Julia sa press conference ni Senatoriable Sonny Anga­ra na hindi nagbago ang kanyang ugali pero naging mas motivated siya sa trabaho.

Kasama ni Julia sa joint presscon nila ni Congressman Angara ang Lola Flor niya na napaluha dahil ito ang nasaktan sa mga walang katotohanan na bintang laban sa kanyang apo.


Sina Julia at Lola Flor ang mga tampok sa TV ad ni Congressman Sonny tungkol sa Expanded Senior Citizens Act of 2010.


Si Congressman ­Sonny ang author ng nabanggit na batas at ang kanyang ama na si Senator Edgardo Angara ang proponent ng Senior Citizens Act of 1992.


Ang sambayanan Pilipino at hindi lamang ang mag-lola ang pumuri sa expanded version ni Congressman Sonny dahil pina­kikinabangan ito ng lahat ng mga senior citizen.


Kasama sa benefits ng expanded version ang 20-percent discount sa goods and services mula sa VAT, libreng medical at dental service, diagnostic at laboratory fees sa lahat ng mga government hospital, monthly stipend na P500 para sa indigents, five percent-discount sa water at electric bills at educational assistance para sa mga senior citizen na gustong bumalik sa school dahil hindi nila natapos ang pag-aaral.


Sa expanded version, magkakaroon ng Office for Senior Citizens Affair at senior citizens ward sa mga government hospital sa lahat ng city at muni­cipality.


Mananagot ang sinuman na lalabag sa provisions ng batas, ayon kay Congressman Angara na pinili si Julia para maging spokeperson dahil nakita niya ang tunay na pagmamahal at pag-aalaga ng young actress sa lola nito.


***


Bukas, December 15, ang finale night ng The Amazing Race Philippines, ang reality show ng TV5 na sinubayba­yan namin mula nang mag-umpisa sa telebisyon. Da­lawang milyong piso ang prem­yo na matatanggap ng team na unang maka­rarating sa Final Pit Stop sa Davao.


Final three teams ng The Amazing Race ­Philippines ang ­Celebrity Friends Team nina LJ Moreno at CJ Jaravata, ang Team Gym Buddies nina Marc at Kat at ang Team Magbayaw nina Fausto at Dayal.
May twist ang episode kagabi ng TARP nang mawala sa final three ang Team Reunited Friends nina Sheena at Gee dahil binigyan sila ng ­30-minute penalty.


Naunahan nina Sheena at Gee sa pit stop ang team nina LJ at CJ pero nawala ang tsansa nila na makasama sa final three ng TARP dahil sa 30-minute penalty na ipinataw sa kanila.


Mabilis na naging top-rated primetime show ng TV5 ang TARP dahil exciting na panoorin ang mga pagsubok na pinagdaanan ng eleven teams.


Nagustuhan namin ang TARP dahil naipakita ng programa ang kaganda­han ng mga likas na yaman ng ating bansa mula Luzon, Visayas hanggang sa Mindanao.




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.0399
Bahrain Dinar 108.851
Canadian Dollar 41.7119
Euro 53.6908
Australian Dollar43.3036
HK Dollar 5.29539
Japan Yen 0.490577
Saudi Riyal 10.9431
S’pore Dollar 33.6015
Taiwan Dollar 1.41257
UAE Dirham 11.1733
UK Pound 66.2550
COLUMNIST OF THE DAY
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section