|
|||
LALONG nadagdagan ang pera ni Manny Pacquiao sa una niyang regular TV show na Pinoy Records sa GMA 7. Tumangging magbigay ng figures ang isa sa mga executive ng GMA 7 na nakausap namin sa presscon ng nasabing programa tungkol sa talent fee ni Manny. Pero hindi niya itinangging maraming zero sa talent fee na ibinabayad nila sa Pambansang Kamao. Per taping ang bayad kay Manny pero sa kabuuan, pan-superstar ang halaga ng tinatanggap nito para sa programa. Dahil rin sa status ni Manny, ang GMA 7 ang nag-a-adjust sa kanyang availability. Noong Martes nang hapon, pagkababa ni Manny sa airport galing Gen. Santos City, dumiretso na siya sa GMA 7 para sa presscon. Tinapos lang ang presscon niya at nag-taping na siya agad. Nangangarag na ang staff ng kanyang programa. Limang episodes pa kasi ang bubunuin ng world-class boxer. Mabuti na lang daw at one-take host si Manny kaya maaga nilang natatapos ang taping. Magaling daw kasing magbasa at mag-deliver si Manny ng kanyang introductory lines. ***
Ngayon pa lang ay lungkot na lungkot na si Angelica Panganiban, lalo na at hindi natuloy ang plano nila ni Derek na magpunta ng Hong Kong. Hindi rin kasi pinayagan si Angelica na magpunta sa Hong Kong, dahil kailangan nitong mag-taping para sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man. Nilinaw agad ni Angelica na ang pagpunta dapat nila ni Derek sa Hong Kong ay hindi honeymoon. Kunsabagay, bakit sila magha-honeymoon, eh, hindi naman sila kasal. "Matagal nang naka-schedule na magpunta kami ni Derek sa Hong Kong. Kaya lang, pinilit ako ng ABS-CBN na mag-taping. So, wala naman akong magawa." Birthday ni Derek bukas (December 7), at hindi sila magkakasama ni Angelica. Sabi ni Angelica, hindi niya maisip kung ano ang dapat iregalo sa boyfriend niya. "Ayaw rin kasi niya na magregalo ako sa kanya. Wala raw siyang gustong regalo from me. Ayaw na raw niya akong pahirapan na mag-isip ng gift sa kanya," say na lang ni Angelica. *** ISANG choir na may pangalang Oluvus (All of Us) ang naglabas ng isang special Christmas album na pinamagatang Maligayang Pasko na siya ring carrier single ng album. Ang grupo ay binubuo ng ilang professionals from different fields namely: Raymond Gorospe (Sales Team from Loyola Plans Consolidated), Rita Paraiso (international band-vocalist), Maria Katrina De Ocampo Tuason (owner, Exclusively His), Casey Copengco (DJ at Dream FM 106.7), Oliver Roxas (Props and Fashion Designer), Rina Angeles (Plastic Surgeon), Warren Ty (works in a multilateral financial institution), Bernard Songco (Smart Wireless Center Manager), ang dalawang student na sina Charlene Monique Suguitan (Assumption, Antipolo) & Christian Manguerra (Junior Student PLM) at Marissa Katrina Ty (a poitry enthusiast). Binuo ang grupong ito para tumulong sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng pag-awit. Ni-record ang nasabing album nang wala silang bayad at ang mapagbebentahan nito ay mapupunta sa Kythe Foundation na sumusubaybay sa psycho-social needs ng mga pediatric patients, lalo na ang mga batang may cancer. |