GABAY NG DIYOS

Fare rollback sa Disyembre 15

(Noel Abuel/Lily Reyes)

 

Sinuspinde ng Land Trans­portation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang sini­singil na P10 add-on rate sa mga taxi at 50 sentimos sa pampasaherong jeepney sa Metro Manila, at Region 3 at 4 epektibo sa darating na Disyembre 15 ng taong kasalukuyan.


Sa isinagawang pulong sa pagitan ng LTFRB at ng ilang transport groups kahapon, napagka­sunduan ng mga ito na tanggalin na ang naturang add-on rate at bawasan ng P.50 ang ipinatutupad na mini­mum fare sa mga pampa­saherong jeep.


Dahil dito, ang kasalukuyang P8.00 minimum fare ay magiging P7.50 na lamang sa unang apat na kilometro at P.10 naman ang ibabawas sa ipinataw na karagdagang singgil para sa bawat mga sumusunod na kilometro.


Ayon kay LTFRB chair­man Thompson Lantion, ang hindi pagbaba­yad ng compulsary P10 tip ay ipatu­tupad mula Dis­yembre 15 ng kasaluku­yang taon hanggang Pebrero 2009.


Nabatid na sa Pebrero 18, 2009 ay magkakaroon ulit ng pulong ang LTFRB at transport groups upang desisyunan kung itutuloy ang pagtatanggal ng P10 add-on rate o ibabalik na ito.


Sa panig naman ng mga taxi operators, sinabi ni Leonora Naval, pa­ngulo ng Association of Taxi Operators of Metro Manila (ATOMM), na sumang-ayon ang mga ito na tanggalin ang P10 add-on bilang regalo na rin umano sa mga mananakay ngayong Kapaskuhan.


Samantala, maging ang mga Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) at Integrated Metro Bus Operators Association ay sumang-ayon na rin sa pag-rollback sa pasahe.


Nabatid na P.50 sa bawat limang kilometro ang ibabawas sa mga regu­lar buses sa Metro Manila mula sa kasalukuyang P9.50 at P.10 bawas sa susunod na kilometro mula P1.95 patungong P1.85.


Sa panig naman ng mga aircon buses sa Metro Manila ay tanging P.15 sa bawat kilometro ang ibabawas sa pasaheng P11.00 sa unang limang kilometro.


Habang ang mga aircon at ordinary provincial buses ay pumayag na magbawas ng P.05 kada kilometro.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section