Hindi hadlang si baby sa pag-e-exercise ni mommy
(TINA MENDOZA)

 


These day women are told can have it all - career and family. It’s a challenge for moms to find a time for themselves especially if you have new babies to take care of. Totoong mahirap maging isang ina lalo na kung may bago kayong anak. Minsan nakakalimutan mo na ang inyong sarili, na mas inuuna n’yong atupagin ang inyong asawa o mga anak.


Una sa listahan ninyo ang pag-aalaga ng inyong mga babies. Mahirap humanap ng time para sa workouts. Siyempre nga naman kapag may baby, nariyan ‘yung puyat ka dahil maya’t maya ay gigisingin ka ni baby dahil gutom na sila, kailangan ng palitan ng diapers, paliguan at kung anu-ano pa. Parang kapag ganito ang ginagawa n’yo, sasabihin n’yong pagod na kayo at wala nang time para mag-exercise pa


Bilang isang ina at asawa dapat malakas ang inyong stamina para magampanan n’yo nang mabuti ang inyong responsibilities at ito ay sa pamamagitan ng pag-e-exercise. Maaaring isang hadlang ito sa day-to-day routine n’yo sa pagiging nanay. But if you have positive minds, maraming paraan para makapag-exercise kayo. It’s a great challenge for you!


Tips for fitting fitness into life with baby:


* Be flexible


Ang pag-e-ehersiyo habang may baby ay mahirap gampanan. Maaaring hindi ito fit sa schedule ninyo. Pero kung magiging flexible kayo - mas maganda. Learn to adjust yourself and your schedule. Pwede kayong mag-exercise kapag tulog ang inyong baby. Let say ang gising ng baby n’yo sa umaga ay 6 a.m., mag-exercise kayo bago ang oras ng paggising ng inyong baby. O kaya naman sa gabi, kapag tulog na si baby, dito kayo pwede mag-workout. Huwag niyong isipin na sa umaga lang ang pag-e-exercise dahil walang pinipiling oras ang pag-e-exercise.


* Organize a workout schedule with your spouse


Kausapin n’yo ang inyong mga asawa tungkol sa pagwo-woorkout ninyo. Pwedeng siya muna mag-alaga sa baby n’yo sa umaga habang kayo ang nagwo-workout. At siya naman pwedeng mag-exercise after lunch or in the afternoon, habang ikaw naman ang nagbabantay sa inyong anak.


* Ask for help


Kung mayroong kayong kapitbahay na nanay rin at may babies din , pwede kayong humingi ng tulong dito, lalo na kung close naman kayo. As long as you trust them, wala kayong magiging problema sakaling naisin n’yong ipaalaga pansamantala ang inyong baby. Habang binabantayan nila ang iyong baby, mag-exercise kayo. And in return, kapag sila naman ang magwo-workout, kayo naman ang magbabantay sa kanilang mga anak.


* Consider brisk walking with your baby.


Ilagay ang inyong mga baby sa kanilang stroller o baby carrier at kayo ay maglakad-lakad. Gawin n’yo ito sa umaga o sa hapon upang maiwasan ang tindi ng init ng araw. Make sure na nakakain na ang inyong baby at nakabihis ng maayos upang hindi kayo maabala sa pagwo-workout.


* Check out the quality of child-care facilities at your local gym


Okey ito sa mga nanay at sa kanilang asawa para lalo n’yong mabantayan ang inyong pag-e-exercise kasama ang inyong baby.


* Be kind to yourself


Isantabi n’yo ang inyong problema, stress by giving yourself a nice treatment. Mag-exercise kayo at kung sa oras na ito ay hindi n’yo magawang mag-exercise dahil sa kailangan n’yong mag-alaga ng baby , magpahinga muna kayo saka uli mag-exercise. Maraming time para maging active ang life at body n’yo basta consider how important your life is.


For details please contact 7157604, 7152500 or email us at psalmstre@yahoo.com.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 

Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section