www.abante-tonite.com
 
 
 

Ruffa, hindi natalbugan nina Marian, Rufa Mae at Iza!

 

GALING si Ruffa Gutierrez sa thanksgi­ving mass para sa parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, kaya humahangos siyang paakyat ng Imperial Pa­lace para sa presscon ng Desperadas 2.


“I’m happy that my mom and dad are alive! Siyempre, anything could have happen to them sa operating room, pero nagpapasalamat ako, through prayers, na anuman ang sakit na naramdaman nila, na-heal sila. Maayos na sila.


“I think, mas guwapo ang daddy ko. Mas ba­gets tingnan ngayon. Ang mommy ko, lumalakas na ang boses nang konti kaya alam kong okey na siya! Ha! Ha! Ha!” masa­yang balita ni Ruffa.


Para kay Ruffa, best Christmas gift ang natanggap nila dahil sa kaligtasan ng kanyang magulang.


“It’s the best Christmas gift na natanggap ko. Kasi nga, it was very emotional time for the whole fa­mily. Lahat kami, naiyak, depressed! Kapag pamil­ya na ang at stake, wala ka nang pakialam sa ibang tao, eh!

Importante ‘yung nararamdaman mo para sa pamilya mo!”


May nabago ba sa mommy niya after ng ope­rasyon?


“Naku, hindi rin, huh! Nagsusulat na nga. Kung ano ang inuutos. Mga tseke. Kung ano ang kailangang gawin. Mga bagong projects. Sabi ko nga, ‘Ma, magpahinga ka muna. Huwag ka munang maging manager!’


“Ang mommy, I think, mas naging aware siya na kailangang ingatan ang health niya. Huwag siyang kain nang kain. ‘Yung high blood pressure niya.


“Health is wealth. Kailangang mahalin niya muna ang sarili niya bago kaming mga anak niya at ta­lents niya!”


Matapos asikasuhin ang mga magulang, ang promotions naman ng pelikulang Desperadas 2 ang pinagkakaabalahan ng aktres. Kina Rufa Mae Quinto, Iza Calzado at Marian Rivera, kanino siya mas close?


“Si Rufa Mae kasi, bago pa ang Desperadas 2, magkaibigan na kami.

Nakasama ko siya sa Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

Nagkakasama rin kami sa GMA.


“Si Iza, nakasama ko siya sa Celebrity Bazaar for Leyte. In-invite ko siya at pumunta naman. Napa­kabait na bata at mahusay pang artista.


“Si Marian, last year ko pa lang nakilala. Tahimik pa siya noon. I think sa Desperadas 2, mas naging close kami sa isa’t isa. May kanya-kanyang qualities na gusto ko. Masaya kaming lahat. Walang chismi­san at inggitan sa set. Meron kaming tsismisan pero off the record lahat!


“Pero wala talagang patalbugan! Baka silent lang! Ha! Ha! Ha! Baka silent daw, o! Ha! Ha! Ha!” pambubuko pa ni Ruffa.


Teka, ano pala ‘yung isyu sa pictorial nila na nainis siya dahil pinatanggal sa kanya ang suot na sapatos para makapantay ang tatlo?


“Totoo naman na nagtanggal ako ng sapatos noon. Sabi nila, matangkad ako. Ano naman ang gagawin ko, puputulin ko ang ulo ko? Eh, ‘di wala na akong ulo!


“Lahat kasi kami naka-evening gown! Siyempre, sabi ko, bakit ako magtatanggal ng sapatos ko? Paano ako makakapag-emote? Pag nakatsinelas ka, na rubber pa, iba rin ang tayo mo. Pag naka-heels ka, siyempre, mas maganda kang tingnan!


“Jokingly, sinabi ko, mag-apple box na lang ang mga shorties! Ganoon! Eh, wala silang mahanap na apple box. So, nagtanggal na lang ako ng tsinelas!” paliwanag ni Rufa.


Hindi naman siya nahirapan?


“Hindi naman dahil sanay na ako! Pose pa rin at nag-project ako kahit nakatsinelas ako! Lahat sila naka-heels. Ako, nakatsinelas! Kunyari, short na lang ako!” sey niya.


Bakit kailangan niyang magsakripisyo para sa kanila?


“Alam mo, ganyan talaga ang buhay. Minsan kailangan mong mag-sacrifice! Mabait ako, siyempre!”


Eh, ang mommy daw niya ang nagreklamo sa ginawa niya?


“Hindi totoong nagreklamo ang mommy ko. I didn’t even know kung saan nanggaling ‘yon. Huwag naman nilang gawing monster si mommy. Hindi pa siya tapos mag-decorate ng bahay, intindihin pa ba niya ang tsinelas ko at kung sino ang matangkad o hindi.


“Ako naman, kahit saan ninyo ilagay, magi-stand out ako kasi I’m tall, ‘di ba?


Pero mamahalin naman ang gamit at damit niya, ‘di ba?


“Sobra ka naman. lahat naman kami dito, magaganda ang outfits! In fairness,” tugon ni Ruffa.


Pero siyempre, hindi siya puwedeng magpatalbog sa tatlo.


“Alam mo, ganyan na talaga akong magdamit! I don’t need to make patalbog!” kaswal niyang sagot.


“Lahat naman sila mababait sa akin. Walang nagpa-star effect sa akin!

Kaya enjoy ako!”

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section