www.abante-tonite.com
 
 
 

Pacquiao at Dela Hoya fight, apektado ng economic crisis sa US!

 

MARAMING kuwento na showbiz-related ang na­laman namin dito sa Amerika, pero nahihirapan kami na isulat ang detalye dahil masyadong sensitive ang mga isyu.


Like, ang sikat na aktres ang may alam sa lihim ng showbiz couple at kapag nabunyag ang sikreto, isang pamilya ang masisira.


Galit ang sikat na aktres sa mga tao na sangkot dahil hindi niya masikmura ang family scandal na kanyang natuklasan. Isang miyembro ng pamilya ang nagkuwento sa aktres ng kanilang “lihim”.


***


Hindi namin kilala sina Joshua Dionisio at Patricia Gayod kaya wala kaming maisagot sa mga kababayan natin na nagtatanong kung sino sila.


Sina Joshua at Patricia ang mga baguhan na nanalo sa Star Awards for TV ng PMPC na ginanap noong Linggo sa SMX.


Si Joshua ang winner ng Best Single Performance by an Actor award para sa Sako epi­sode ng Maalala Mo Kaya at si Patricia naman ang co-awardee ni Kylie Padilla sa Best New Female TV Personality ca­tegory ng Star Awards for TV. Napansin si Patricia dahil sa performance niya sa Dagat episode ng Maalala Mo Kaya.


Makakatulong ang mga award na natanggap nina Joshua at Patricia para makilala sila ng mga tao na nagtatanong ng “The who?”


***


Nagpunta na kahapon (Monday, 4:30 pm) sa Las Vegas si Manny Pacquiao at ang kanyang entourage.  Katulad ng mga nakaraang laban ni Manny na pumapatak ng araw ng Sabado, Lunes pa lang ay pumupunta na siya sa Las Vegas para paghandaan ang paghaharap nila ni Dela Hoya.


Kung marami sa mga Pilipino ang lumipad sa Amerika para panoorin ang laban nina Manny at Oscar, iba naman ang plano ng ilang kababa­yan natin na naninira­han sa US.


Tumaas na ang ba­yad ng pay-per-view sa HBO dahil talagang inaabangan ang Pacquiao-Dela Hoya Fight. From US$49, naging US$59 ang subscription rate.


Nagmahal na rin ang tickets para sa nabanggit na laban kaya imbes na pumunta sa Las Vegas, nagkaisa ang mga Pilipino na panoorin sa TV sa isang bahay ang big boxing event at magdadala na lamang sila ng kanya-kanyang pagkain.


Nagtitipid na ang mga kababayan natin sa Amerika dahil nararamdaman nila ang econo­mic crisis.


***


Nakita namin sa Ve­nice beach ang mga promo poster para sa bagong CD album ni Britney Spears. Ngayon ang release sa US record bars ng Circus, ang CD album ni Britney na magiging basehan kung tatangkilikin pa rin siya ng kanyang fans.


Magandang-maganda si Britney sa publicity posters ng Circus. Wala sa kanyang itsura na dumaan siya sa mga es­kan­dalo at malalaking problema. Positive din ang reviews sa kanyang album:


It’s time for the annual declaration: Britney Spears is not going away. Last year she might have seemed like a human Superfund site, oozing bad fumes and impossible to repair -- but in 13 short months, she’s churned out a perfectly viable album that telegraphs self-awareness, sexual confidence and her most sought-after commodity, control. “Circus” already has given her a big hit, the “Cabaret” meets-”Flashdance”-flavored “Wo­manizer,” and considering the expensive production credits neatly lined up on each track, more seem inevitable.


Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section