Ngayong malapit na ang Pasko, marami na
ang bumibili ng mga Christmas decors lalo na ang mga Christmas lights
maging anuman ang kulay nito. At dahil maraming mga naglabasang
Christmas lights sa mga malls, palengke at mga bangketa, hindi tayo
sigurado kung safe ito o baka substandard lang.
Ang mga substandard na Christmas lights
ay maaaring pagmulan ng sunog sa bahay lalo na kung matagal itong
nakabukas sa magdamag.
Kailangan din tiyakin kung pang-indoor o outdoor ang Christmas lights
na bibilhin.
Mabuting hanapin ang markang PS (Philippine
Standard) o ang ICC (Import Commodity Clearance) sa isang produkto
upang makasigurong may magandang kalidad ito na inyong mapagkakatiwalaan.
Ang PS at ICC ay tanda na ang isang produkto
ay nakapasa sa standard ng DTI (Department of Trade and Industry).
Kung bibili ng mga locally-made Christmas
lights, hanapin ang markang PS logo. Kapag mga imported products
naman, bago ito ikalat sa market, tini-test din ito gaya ng mga
locally-made. Ang hahanapin naman na marka para rito ay ICC logo.
|