|
|
|
Gamit ang
isang braso, sinikap ni Denise Acevedo ng Ateneo na maisalba
ang bola, na mula sa tip shot ni Neriza Bautista ng Adamson sa
Shakey’s V-League action kahapon sa The Arena sa San Juan. (John
Paulino) |
Umeksena si Laurence
Ann Latigay sa pagputok ng 28 points, kasama ang isang spike at
block, upang iangat ang San Sebastian College tungo sa 25-16, 25-19,
17-25, 23-25, 15-13 panalo laban sa University of Santo Tomas sa
Game One ng kanilang best-of-three Shakey’s V-League 2nd
Conference crown showdown kahapon sa The Arena sa San Juan.
Si Latigay, ay
ineklipsihan ang kanyang Thai teammate na si Bualee Jaroensri sa
pagpapakita ng all-around game nang magpako ng 21 attacks, kasama
ang apat na blocks at tatlong service points.
Ang kanyang ika-21
kill ang bumasag sa 13-all deadlock sa deciding fifth set at ang
kanyang huling block ang gumelyo ng panalo para sa Lady Stags.
Sa pagtatapos lamang
bilang runner up sa nakalipas na dalawang conferences, sisipatin na
ng San Sebastian ang pagkopo sa titulo sa Game Two bukas.
Si Jaroensri ay nag-ambag
ng 25 points, kasama ang 23 attacks, si Rysabelle Devanadera ay may
15 points, nagbigay ng 10 markers si Jinnie Mondejar habang may lima
si Charisse Ancheta para sa San Sebastian.
Sa unang laro,
sumandal ang Ateneo sa steady performance ng kanilang Thai import na
si Lithawat Kesinee upang lagpasan ang Adamson, 14-25, 25-21, 25-19,
25-19, sa kanilang sariling best-of-three series para sa third place
crown ng ligang inisponsoran ng Shakey’s Pizza.
Si Kesinee, na isang
two-time SEA Games veteran, ay nagsapul ng 20 kills at anim na
blocks para sa kabuuang 26-point para sa Lady Eagles na dumaan sa
one-hour, 34-minutes match at makalapit ng isang panalo na lamang
para sa best-ever finish ng koponan sa liga.
Nag-ambag naman ng
tig-13 points sina Ma. Rosario Soriano at Denise Acevedo para sa
Loyola-based squad, na nagtapos sa ikapitong puwesto noong nakaraang
taon at ikalimang posisyon sa first conference nitong season.
Susubukan nang
tapusin ng Ateneo, na dalawang beses pinabagsak ang Adamson ngayong
conference, ang playoff sa pagsungkit ng isa pang panalo bukas.
Samantala, kinilala
si UST player Venus Bernal bilang 100 Plus Player of the Conference
sa awards rites na inisponsoran ng 100 Plus Energy Drink. Ang iba
pang awardees ay sina Janet Serafica ng Adamson (most improved
player), Laurence Ann Latigay ng SSC (power player), Mary Jane
Pepito ng SSC (hustle player), Ma. Angeli Tabaquero ng UST
(sportsmanship) at Ma. Rosario Soriano ng Ateneo (pure energy). |