ADS 

Bakit 'W-A-L-A' si Juday sa concert ni Piolo?

Alfie Lorenzo

DAPAT ay kahapon pa ito nailabas dito sa kolum namin sa Abante, pero dahil sa kung anu-anong kaguluhang nangyari kahapon, na maaga yatang nag-deadline ang editor ko rito, hindi na ito naihabol pa.

Anyway, puwede pa ring ihabol ito para maunawaan ng mas maraming mambabasa.

Dapat ang ang maging headline ng column namin ngayon (na naging dahilan para ma-late kami sa presscon nina Juday at Ryan for their MMFFP entry "Sakal, Sakali, Saklolo" dahil tinipa pa namin sa umaga!) ay "Kundi pupunta si Martin sa concert ni Pops, mas lalong W-A-L-A si Juday sa megahit concert ni Piolo!

Pero sigurado akong kakapusin ng pahina si Donita, kaya hindi na kami nagtangka.

Well, nag-wish ako na maging super megahit to the max ang concert ng nag-iisang papa ko sa showbiz. And that comes from the bottom of our heart! Whether anyone believes that or not, none of my business. For who cares what my heart feels? Except him.

Sabi ko nga, ibi-bet ko ang bottom peso ko na ang concert ni Papa Piolo ko last night at the big dome ay mapupuno ng mga tao. Maski na may magsabi riyan na mahina ang bentahan ng tikets, bago ang concert, nag-bet pa rin ako (as I have kidded my friend at the U.S. immigration, for the purpose of my visit: "I came to see Barrera win!") ng last centavo ko na dudumugin talaga ang concert, maski ng mga hindi interesado dahil sa nabigyan sila ng libreng tikets!

Kung ako ang in-charge ng concert ni Piolo, hindi ko hahayaan na mabuko na isang failure ang concert ng Papa ko. Kung ang full capacity ng Araneta Coliseum ay 12 thousand, magpapa-imprenta ako ng 30 thousand tikets at ikakalat ko ang sobra sa 12 thousand capacity ng big dome, thereby sa gabi ng concert ay puputaktihin ang entrance ng mga disgruntled people, na hindi na nakapasok sa loob dahil filled to the rafters na nga ang venue.

Thereby, sinumang makabalita abroad ng success ng concert ay ipupuwesto na ang Papa ko sa shrine auditorium at talunin sina Sharon Cuneta at Gary Valenciano sa nakapuno ng shrine.

Sabi ko nga sa mga kausap ko, magdidilim ang kalangitan sa Araneta, dahil sa kawalan ng isa mang star! Dahil lahat ng stars (at kulang na pati araw at buwan!) ay nanduon na sa loob ng Araneta to lend support to my papa’s concert.

But even all the stars in heaven won’t be of help to give luster to this lackluster concert, dahil "empty" as in E-M-P-T-Y talaga ang show dahil ang pinakaimportanteng tao sa likod ng anumang tagumpay na tinatamasa ng Papa Piolo ko ay wala sa big dome!

Kung si Martin Nievera ay hindi pupunta sa concert ng ex-wife niyang umaasang sosorpresahin siya, puwes, si Juday ay W-A-L-A sa concert ng Papa Piolo ko!

Kung ako ang namahala ng concert ng Papa ko, sa halip na ang mga edukado, prim and proper and poised to the rafters na mga bigshots, ako -- na bastos, brusko, rude at walang pinag-aralan ay mas magiging humble and correct to the point sa gagawin. Iimbitahin ko ang mga taong gumabay kay Piolo sa first steps niya towards the stairs of stardom like who?

First and foremost among the guests will be Judy Ann Santos -- si Judy Ann na mula’t sapul sa "Esperanza" towards Piolo’s big stardom in "Kahit Isang Saglit" to "Bakit Di Totohanin" down to "Till There Was You", "Sapuso Ko Iingatan Ka", "Sa Piling Mo" and "Don’t Give Up On Us" ay sumuporta na sa Papa ko.

She should have occupied the biggest and most important chair at the big dome. For without Juday, malay natin kung naging possible na nakapag-concert sa Araneta si Piolo?

Dapat inimbita man lang sana ni Piolo sina Juday at Ryan para makisaya for whatever he has become now.

Or si direk Gilbert Perez na nagbigay kay Piolo ng first big hit niya! Si direk Boots Plata at lahat ng mga direktors na one way or the other made Piolo for what he is now. Kakampi man o kalaban are part of history. Hindi ‘yung kakitiran ng isipan ang pinairal na ‘yun lang kakampi nila ang nanduon. Look at the history of "TV Patrol", its history would not have been complete kundi isinali si Mel Tiangco doon, kung pinairal lang ng iba ang sentimiyento nila laban sa madamdaming speech ni Mel sa PMPC nung Linggo ng gabi. Hindi puwedeng mabura ang ibang karakters sa history simply becoz you have them or else bagsak ka sa thesis mo!

Akala man ng karamihang sipsip kay Papa Piolo ko ay hate na hate namin ito. Siguro, they are not made of stuff like I do have, kaya ‘di nila maiintindihan kailanman ang kalakaran sa showbiz, with all its kaplastikan!

I would have been proud to be sitting on the front seat with my Papa Gabby, Charo, Malou and Tita Cory for old time sake. Muli sanang nabuhay ang patay ng industriya, kung nakita ng buong mundo ang pagkakasundo ng magkakapamilya na may puso!

Kundi man kaya ng Papa Piolo ko na gawin what is prim and proper, nand’yan naman ang nanay niya who could have done a lot. Kaibigan ni Amelia ang nanay ni Juday -- she could have ask for a minor help. But then, like mother, like…

Piolo is bruited about as a Bible reader, a God-fearing Christian, a loving "father" to a "son", but it seemed that whatever Piolo let go of his dainty lips are all lip service. Sinasabi lang niya na hindi naman sinsero.

Since Bible readers are known to be humble Christian, Piolo could have made the biggest humility in his life kung naninkluhod siya, short of saying "went down to his knees and beg" for Juday’s (kahit na hindi na ako!) "Forgiveness" for whatever misgivings he is still doing and invited her to this "one and only" concert which I hope and pray won’t be his swan song!

Kinalimutan na sana lahat ng mga negative vibes and "lets be friends again" na ang drama, for eversince naman Juday understood whatever actions Piolo made or ‘yung drama ni Juday sa akin na "alam naman ng lahat na sa iyo si Piolo" na running joke namin. For sino ba namang artista na hindi namin hawak o mina-managed ang kinalinga namin at tinulungan nang husto kundi tanging si Piolo Pascual lang? Sino ba sa mga nakapaligid ngayon kay Piolo at nakatambal na niya ang nakapagbigay kay Piolo ng five big hits with Juday, na kuwentado ng Papa Gabby ko ang big gross and net?

Sayang. Piolo Pascual could have rewritten the success story of showbiz had he done, what I would have planned so despite my rudeness at kamalditahan at kamal-edukaduhan! Ryan Agoncillo would have loved me more than my Papa Piolo ever did -- or undone? Now it is more loud and clear na sa akin -- that it doesn’t qualify that one has all the credentials to be a star, kung ang namamahala sa career mo knows less how to drive your way to stardom! No wonder, only 2% makes it and the 98% failed, dahil sa kamangmangan ng ibang nagmamarunong na posture lang at taas ng kilay ang alam!

My dear Jesus, you’re right! Humility is still the best virtue a person should have! Eh kailan ka naman nagkamali my Lord? Eh all-knowing ka naman talaga. Eh knows ba naman ‘yan ng karamihan diyan sa "kapamilya" namin? Eh most of them diyan ang dinidiyos eh hindi ikaw, kundi ang salapi! Please exclude in all capital letters diyan ang PAPA GABBY LOPEZ ko, ha! Dahil tanging ‘yan lang yata ang makatao at maka-Diyos sa network na yan!

Amen!

<BACK