|
Binabati natin ang
ating mga kababayan, lalo na ang mga ABANTE readers
Philippines-wide and Earth-wide.
Sa paggunita kay
Andres Bonifacio, isinilang sa Tondo, Maynila, sa pamamagitan ng
tula na katha niya, "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa", ito ay
alay parangal at alaala sa kanyang pag-ibig sa bayan at mamamayan.
Nagpapatuloy ang pakikibaka ng taumbayan laban sa kaapihan at
kahirapan ng kanilang buhay at kinabukasan.
Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa
Andres Bonifacio
Aling pag-ibig ba ang
hihigit kaya
Sa pagkadalisay at
pagkadakila?
Gaya ng pag-ibig sa
tinubuang lupa
Aling pag-ibig ba?
Wala na nga, wala
Walang mahalagang
hindi inihandog
Ng may pusong wagas
sa bayang nagkupkop
Dugo, yaman, dunong,
katiisa’t pagod
Buhay ma’y abuting
magkalagut-lagot
Ang nakaraang panahon
ng aliw
Ang inaasahang araw
na darating
Ng pagkatimawa ng mga
alipin
Liban pa sa bayan
saan tatanghalin?
Sa aba ng abang
nawalay sa bayan
Gunita man ay laging
sakbibi ng lumbay
Walang alaala’t
inaasam-asam
Kundi ang makita’y
lupang tinubuan
Kayong nalagasan ng
bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay
na nilanta’t sukat
Ng bala-balakid
makapal na hirap
Muling manariwa’t
sa baya’y lumiyag
Ipagkahandug-handog
ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo,
ubusin itigis
Kung sa pagtatanggol
buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at
tunay na langit
Aling pag-ibig ba ang
hihigit kaya
Sa pagkadalisay at
pagkadakila?
Gaya ng pag-ibig sa
tinubuang lupa
Aling pag-ibig ba?
Wala na nga, wala..
Ito ay madamdaming
inaawit ng grupong Inang Laya nina Karina Constantino David at Becky
Demetillo. At nagsisilbing hamon para sa karapatan, kalayaan,
katarungan at kaunlaran.
Ito ay halaw sa blog
ni Willing Exile. Ang original na tula ay matatagpuan sa internet at
i-search ang pangalan ni "Andres Bonifacio" at "Pag-ibig
sa Tinubuang Lupa".
Kung may katanungan o mungkahi,
makipag-ugnay kina: Jose Pepito Manansala Cunanan at Elizabeth De
Leon Cortez Cunanan-0922-8830 696 or 928-1312- / Email: pcunanan@gmail.com
/ pepz2002@yahoo.com. Visit website: www.withnews.org - Internet
News for the Disabled and the Poor. Unit 201, 2nd Floor, Prestige
Tower, Emerald Avenue, Ortigas Center, Pasig City, Metro Manila. |