|
May lihim na iringan
ang dalawang may-edad nang Kalihim ni PGMA at kahit kapwa hirap nang
maglakad ay hindi ito balakid upang pasimple pa rin silang
magpalitan ng maaanghang na salita laban sa isa’t isa.
Kwela sa mata ng mga
alipores ni Mang Teban ang dalawang lolo ng gabinete dahil marunong
mag-pretend ang mga ito as in magplastikan kapag magkaharap as in
kunwari ay magkabati at walang iringan.
Pero, kwidaw, kapag
wala na sa tabi ng isa’t isa ay kanya-kanyang style ang mga ito
para makapangwakwak tulad ni Kalihim 1 na sinasabihan si Kalihim 2
na bedridden na at dapat nang mag-Viagra.
Nang makarating sa
kampo ni Kalihim 2 ang nasabing bagay ay ipinagkalat naman nito na
ulyanin na si Kalihim 1 ‘di tulad umano niya na katawan lamang ang
mahina pero matalas pa ang isipan.
Matapos magkaroon ng
gap dahil sa mga masasakit na palitan ng salita ay nagkaliwanagan
ang dalawa kamakailan at itinuwid na biro lamang ang kanilang mga
litanya ngunit ilang araw lamang ang nakakalipas ay muling kinontra
ni Kalihim 1 ang mga media statement ni Kalihim 2 na dahilan naman
para muling mapikon ang kampo ng huli.
Hanggang sa ngayon ay
hindi matiyak ng mga miron kung seseryosohin ang dalawa pero
inaabangan ang susunod na simpleng word war ng mga ito.
Pintahan n’yo na: sina Kalihim 1 at
2 na pawang senior citizens sa gabinete ay itago natin sa mga
inisyal na A at G. |