|
DAVAO CITY --- Binawian ng buhay ang isang 62-anyos na lalake matapos itong makulong sa nasusunog nitong bahay sa Barangay Poblacion, Maragusan, Compostela Valley Province.
Sa ulat ng Maragusan Police, nakilala ang biktima na si Ramon Segura na namatay matapos makulong sa nasusunog nitong bahay kamakalawa.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, mahimbing na natutulog noon ang matanda nang masagi nito ang kanyang ginagamit na lamparang de-gaas.
Agad na kumalat ang malaking apoy sa bahay kaya hindi na nakalabas pa ng buhay ang biktima.
Tinatayang umabot sa P60,000 ang naging danyos sa naganap na sunog. |