TUESDAY, AUGUST 31, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
AUGUST 30, 2010

13-14-28-25-21-03
P7,359,696.00

4-DIGIT 6-4-7-6

1:30PM SUERTRES 3-7-6
5PM SUERTRES 5-4-1
9PM SUERTRES 3-8-6

EZ-2 2PM
12-02

EZ-2 5PM
26-28

EZ-2 9PM
23-07

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

49-11-26-27-09-12
125,124,861.60

 
OPINION
Hanggang kelan tayo hostage?
Editorial

Nakakalungkot talaga isipin na sa tuwing may kapalpakang mangyayari sa Pilipinas at ang biktima ay mga dayuhan -- tulad ng hostage-taking sa Quirino kamakailan at sa mga nakaraang pambibihag ng mga Abu Sayyaf -- mga kababayan nating nakakalat sa iba’t ibang panig ng mundo ang nalalagay sa alanganin.

Kung anong nasyonalidad ang nadidisgrasya rito sa atin ay ang mga kababayan natin sa kanilang pinagmulang bansa ang nalilintikan. Kaawa-awa dahil sila ang umaani ng ngitngit ng mga kalahi ng nabibiktima rito.

Ang tanong: kaya ba silang protektahan ng ating gobyerno sa ganitong mga pagkakataon? Kaya ba silang iuwi agad-agad kung malalagay sa alanganin ang kanilang seguridad? E, mukhang mismong ang mga kababayan natin doon ang tumatangging magpauwi at suungin na lang ang panganib o banta sa katwirang magugutom lang sila rito.

Kahit naman kasi ang gobyerno ay walang maibibigay sa kanilang alternatibong ikakabuhay kung huhugutin sila basta-basta. At ang perang kanilang ipinadadala, sumasandal pa nga rito ang ating ekonomiya. Paano ang mangyayari kung pauuwiin sila? Sapul lahat ang kanilang sarili, ang kanilang pamilya at ang gobyerno na rin.

Talagang ‘hostage’ tayo ng pera ng ibang bansa. Ang sahod ng mga kababayan nating manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo ay dugong pandugtong ng buhay rito.

Kaya nga ang palagiang hamon sa lahat ng umuupo sa ating gobyerno ay ang pagsikapang maiuwi na sa Pilipinas ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakakalat sa buong daigdig dahil ito ang pinakamabigat na sukatan ng tagumpay ng isang pamamahala.

Hangga’t mayroong OFW, ibig sabihin ay hindi tagumpay ang ating mga lider dahil makukumbinsi lamang magsiuwi at pumirmi sa sariling bansa ang mga kababayan nating manggagawa kung maganda na ang kita rito, nabubuhay na nila sa disenteng kita ang kanilang pamilya at may asenso. Kung matino na ang palakad sa gobyerno at hindi na nananakawan at naaagrabyado ng mga ‘buwaya sa gob­yerno’ ang mga taxpayers. At kung naibibigay na ang tamang serbisyo sa taumbayan.

Hangga’t hindi kayang i-secure at mapauwi ng ating pamahalaan ang bilyong OFWs na nasa apat na sulok ng daigdig, kailangan ang ibayong pag-iingat na hindi natin malamatan ang relasyon sa ibang bansa.

Maaaring imposible pero kailangan natin itong gawin. Alang-alang sa ating mga kababayang kumakayod sa ibang bansa. Hihintayin pa ba nating sila ang magbayad sa mga pagkukulang at kapalpakan ng gobyerno ng Pilipinas na matagal nang bigo sa mga obligasyon nito sa sariling mamamayan?

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.1500
Bahrain Dinar 119.747
Euro 57.5037
HK Dollar 5.80425
Japan Yen 0.531157
Saudi Riyal 12.0392
S’pore Dollar 33.3387
Taiwan Dollar 1.41040
UAE Dirham 12.2927
UK Pound 70.1694
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section