TUESDAY, AUGUST 31, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
AUGUST 30, 2010

13-14-28-25-21-03
P7,359,696.00

4-DIGIT 6-4-7-6

1:30PM SUERTRES 3-7-6
5PM SUERTRES 5-4-1
9PM SUERTRES 3-8-6

EZ-2 2PM
12-02

EZ-2 5PM
26-28

EZ-2 9PM
23-07

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

49-11-26-27-09-12
125,124,861.60

 
LUZON NEWS
Bagong panganak na miyembro ng Morong 43 pinayagan sa PGH
(Tina Mendoza)

Dahil na rin sa hindi pagtutol ng prosekusyon ay pinayagan na ng korte ang isa sa mga miyembro ng Morong 43 na nanganak kamakailan na makapa­natili pansamantala sa Philip­pine General Hospital (PGH).

Sa desisyon na ipinalabas ng Morong Regional Trial Court ay pinayagan nitong manatili sa loob ng susunod na tatlong buwan si Judilyn Oliveros sa PGH kasama ang bagong silang na sanggol nito.

Kasunod ng desisyon ay agad na inilipat kahapon sa PGH ang mag-ina mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, pagkaraan ng tatlong buwan ay muling ipipiit kasama ang iba pang miyembro ng Morong 43 na inaresto dahil sa paghihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Matatandaan na una nang ibinasura ng korte ang hiling ni Oliveros na manatili sa PGH dahil sa wala itong batayan ngunit inapela ang desisyon at kinatigan na ang motion for reconsi­deration dahil wala naman umanong naging pagtutol dito ang Department of Justice.

Iginiit ni Oliveros na mahalagang sa maayos na pasilidad manatili ang kanyang bagong silang na sanggol para matiyak ang maayos na kalusugan nito sa halip na sa bilangguan na sobrang sikip at walang maayos na bentilasyon.

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.1500
Bahrain Dinar 119.747
Euro 57.5037
HK Dollar 5.80425
Japan Yen 0.531157
Saudi Riyal 12.0392
S’pore Dollar 33.3387
Taiwan Dollar 1.41040
UAE Dirham 12.2927
UK Pound 70.1694
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section