TUESDAY, AUGUST 31, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
AUGUST 30, 2010

13-14-28-25-21-03
P7,359,696.00

4-DIGIT 6-4-7-6

1:30PM SUERTRES 3-7-6
5PM SUERTRES 5-4-1
9PM SUERTRES 3-8-6

EZ-2 2PM
12-02

EZ-2 5PM
26-28

EZ-2 9PM
23-07

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

49-11-26-27-09-12
125,124,861.60

 
KARTADA 5
Ex-solon binasted ng congresswoman
 

Isang dating kongresista ang bigo sa kanyang panliligaw sa isang incumbent congresswoman.
Ito ang report na nasagap ni Mang Teban sa kinahinatnan ng panliligaw ng dating mambabatas na ito na nasa local government unit (LGU) na kay congresswoman.

Alam ng dating mambabatas na mayroon ng asawa’t anak ang lady solon pero hindi ito naging hadlang sa kanyang panliligaw na tila gustong dag­dagan ang kanyang mga karelasyon.

Sa hindi malinaw na dahilan, binasted ni congresswoman ang dating kongresista kaya ngayon ay magkaaway na sila sa pulitika at malamang na hindi na sila magsasanib ng puwersa sa susunod na eleksyon.

May plano kasi si congresswoman na tumakbo bilang Mayor ng kanilang lungsod kaya nakipag-alyansa ito sa dating kongresista na ngayon ay nasa LGU na.

Sinamantala naman ng dating mambabatas ang ambisyon ni congresswoman kaya bukod sa suporta ay sinabayan na niya ito ng panliligaw lalo na’t may asim pa ang babae.

Hindi umubra ang paging Mr. Swabe ng dating kongresista dahil hindi nahulog ang loob ni congresswoman sa kanya. Posible ding natakot ang congresswoman na maidagdag sa listahan ng dating solon ng kanyang mga babae.

Pintahan niyo na: Kung taga-Metro Manila o hindi ang dalawa ay hindi ko na sasabihin pero kilala ang lalaki habang si babae ay isa sa mga tinaguriang silent majority as in hindi nagsasalita sa Kamara.

Mayroong inisyal si lady solon na C as in Congresswoman nga at R naman si lalaki as parang Rabbit sa….huwag na.

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.1500
Bahrain Dinar 119.747
Euro 57.5037
HK Dollar 5.80425
Japan Yen 0.531157
Saudi Riyal 12.0392
S’pore Dollar 33.3387
Taiwan Dollar 1.41040
UAE Dirham 12.2927
UK Pound 70.1694
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section