TUESDAY, AUGUST 31, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
AUGUST 30, 2010

13-14-28-25-21-03
P7,359,696.00

4-DIGIT 6-4-7-6

1:30PM SUERTRES 3-7-6
5PM SUERTRES 5-4-1
9PM SUERTRES 3-8-6

EZ-2 2PM
12-02

EZ-2 5PM
26-28

EZ-2 9PM
23-07

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

49-11-26-27-09-12
125,124,861.60

 
ENTERTAINMENT
Marian, ugat ng ‘gulo’ nina Dingdong at Bayani!
Baron, gustong maging inspirasyon ng mga manginginom
Jojo Gabinete

NATIONAL Heroes Day kahapon at parang sinadya na ang isyu tungkol sa aktor na Baya­ni ang pangalan ang mainit na pinag-uusapan. Kasama si Bayani Agbayani sa mga talent ni N­oel Ferrer na nagpunta sa Enchanted Kingdom noong Linggo para sa presscon ng 15th anniversary celebration ng kilalang theme park sa Pilipinas.

Si Bayani ang inimbitahan bilang celebrity story teller sa Storytelling Activity ng Enchanted Kingdom sa September 26.

Apparently, hindi pa alam ng mga entertainment writer na kasama sa Enchanted Kingdom trip ang “encounter” nina Bayani at Dingdong Dantes sa birthday party ni Ogie Alcasid noong Biyernes kaya hindi nila tinanong ang komedyante tungkol sa insidente.

Kahit nabalitaan namin ang nangyari, hindi na kami nagtanong kay Bayani. May nakapagsabi sa amin na ayaw ni Bayani na palakihin ang isyu dahil sa kabila ng nangyari, mabuting kaibigan ang turing niya kay Dingdong.

Nonetheless, nakarating sa amin ang kuwento na nag-apologize si Ogie kay Bayani.

Isang isyu lamang ang gustong linawin ng panig ni Bayani, hindi totoo ang balita na idinura niya sa mukha ni Marian Rivera ang gatas na kanyang iniinom sa isang eksena ng Show Me Da Manny.

Mas makabubuti raw na i-replay uli ang eksena para makita ng lahat na walang ginawang masama si Bayani kay Marian at pinag-ugatan ng misunderstanding nila ni Dingdong.

***

Ang First Asian Sky Wizadry Competition ang isa sa mga big event na pinaghahandaan ng Enchanted Kingdom manage­ment. Gaganapin ang unique at creative fireworks display sa susunod na buwan at kabilang ang China sa mga bansa na inim­bitahan ng Enchanted Kingdom para mag-participate.

Umaasa ang EK management na pauunlakan ng China ang kanilang imbitasyon at hindi ito maaapektuhan ng tragic hostage crisis na nangyari noong nakaraang linggo.

***

Hindi itinatanggi ni Baron Geisler ang pag-inom ng a­lak pero nagpa-practice raw siya ng responsible drin­king. Limitado rin ang pag-inom niya ng alak dahil marami siyang trabaho.

Kung may iniiwasan man si Baron, ito ay ang pagpunta sa mga bar para hindi na siya masangkot sa mga gulo.

“Umiinom pa rin (ako)...responsible drinking. Res­ponsable na akong uminom ngayon. Hindi ko na magawa ‘yon dahil araw-araw akong nagtatrabaho.

“Ayoko nang gumimik. Madalas tayong mapag-isipan (nang hindi tama). Minsan, wala tayong ginagawa. Makita lang na, ‘Uy si Baron nasa bar umiinom, ay lasenggo. Ay lasing na ‘yan. Mamaya abangan natin.’

“Ayoko ng ganoon. Basta ako trabaho na lang, mag-ipon para mabili ko ng bahay ang mommy ko. ‘Yun po ang pangarap ko ngayon. By the end of the year, bibilhan ko ng bahay ang mommy ko,” ani Ba­ron.

Seryoso ang boses ni Baron nang sabihin nito na nagbago na siya at malaki ang naitulong ng kanyang bagong manager na si Arnold Vegafria. Kasama sa pagbabago ni Baron ang pangarap na maging inspirasyon ng mga kabataan at ng mga tao na may drin­king problem.

“People change naman. Ang masasabi ko lang, tuwang-tuwa ako sa bagong management ko dahil na­bigyan ako ng dalawang show sa ABS CBN.

“Isa sa gusto ko na ma-achieve is to inspire kids or people na may problem o struggle sa pag-inom. Gusto ko makita nila na ‘Uy tingnan mo ito, inaayos na niya ang buhay niya. I want to be an advocate, one of these days...‘Yun talagang diretsung-diretso na ako.

“Nakikita ko na maging advocate ako para sa struggle ng mga manginginom. Ang mga ganyan, dapat iniintindi kasi ako, kaya siguro ako naging ganito, pagkatapos ko na mamatayan ng tatay, nasunugan ng dalawang beses, hindi ko nakayanan.

“Siguro kailangan ko lang ng tao na makakausap. Mga counselor. Malamang, marami riyan ang mga barako. So, hindi sila mag-o-open up na ganito ang problema ko.

“Gusto kong ipakita sa kanila na tao lang tayo, nasasaktan tayo, magagamot ‘yan. Maaayos natin ‘yan.

“Kailangan mo lang ng kausap. Kailangan mo lang ng tao na hahawak sa kamay mo at magsasabi na kaya mo ‘yan at maaayos ‘yan,” ang pahayag ni Ba­ron na umamin din na maraming beses na hindi siya naiintindihan ng mga tao.

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.1500
Bahrain Dinar 119.747
Euro 57.5037
HK Dollar 5.80425
Japan Yen 0.531157
Saudi Riyal 12.0392
S’pore Dollar 33.3387
Taiwan Dollar 1.41040
UAE Dirham 12.2927
UK Pound 70.1694
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section