 |
Ang mga Sri Lankan protestors na may hawak na mga placards habang nagsasagawa ng demonstrasyon sa labas ng The Saudi Arabian Embassy sa Colombo kahapon, para magprotesta laban sa isang Saudi family na umano’y umabuso sa Sri Lankan maid na binaunan ng 24 pako sa loob ng kanyang katawan. Ang maid na kinilalang si L.T. Ariyawathi, 49, ay tinortyur ng kanyang Saudi employer at pinakuan ang katawan bilang kaparusahan. Nitong nakalipas na linggo, tinanggal ng mga doktor ang 19 pako sa loob ng tatlong oras na operasyon. Ayon sa Sri Lanka’s Foreign Employment Bureau, umaabot sa 1.8 milyon Sri Lankans ang nagtatrabaho sa abroad at 70% dito ay kababaihan. Karamihan sa mga kababaihan ay nagtatrabaho bilang katulong sa Middle East, Singapore at HK. (AFP photo)
|
Dalawang Pinay na umaming lumabag sa visit pass na ginamit papasok ng Malaysia sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang masahista sa isang spa ang pinatawan ng limang buwang pagkakulong at pagmulta ng RM1,000 sa Kota Kinabalu.
Kinilala ang mga Pinay na umaming guilty kay Sessions Court Judge M. Rajalingam dahil sa pagtatrabaho bilang masahista sa Promenade Hotel Executive Health Centre Spa noong Agosto 17 na sina Ronalyn Roxas Ratilla, 23, at Sheena Lyn Cavan Cabreros, 26.
Hiwalay na sinampahan ng kasong paglabag sa Section 39(b) ng Immigration Act 1963 na may katumbas na parusang anim na buwang pagkakabilanggo at multang aabot sa RM1,000 ang dalawang Pinay.
Sinabi sa korte ni Deputy Public Prosecutor Effizah Ernie Idris na ang dalawa ay inaresto sa hotel matapos ang isinagawang raid ng pulisya at natuklasan na ang dalawa ay lumabag sa kanilang kontrata nang magtrabaho sa nasabing establisimyento sa halip na bumisita lamang.
Ipapatapon din pabalik ng Pilipinas ang dalawang Pinay matapos na bunuin ang ibinabang hatol ng korte.
|