FRANCIS, MATATAG AT MAPAGBIRO…
Kahit may leukemia…

 

Pumalag si Maxene Magalona sa iba’t ibang kuwentong naglalabasan tungkol sa kanyang ama na si Francis Magalona. Kasalukuyan pa ring nasa hospital si Francis dahil sa sakit niyang leukemia.

Ayon kasi sa tsismis, nakakalbo na at super payat na si Francis ngayon dahil sa pag-a-undergo ng chemothe­rapy.


Kaya sa presscon ng Sine Novela na Una Kang Na­ging Akin ng GMA 7,

na kung saan ay si Maxene ang isa sa mga bida, nagpadala ng MMS picture si Francis kay Maxene, para ipakita sa mga manunulat.


Makikita sa MMS picture na `yon si Francis na nasa hospital bed.


“Sabi ng papa ko, ‘Max, ipakita mo nga sa kanila (ang picture ko)’. Ang dami kasing nagsasabi na kalbo na siya and all, eh, he’s still the same,” sabi ni Ma­xene.


Ayon pa kay Maxene, his papa is responding very positively naman daw sa mga treatments nito, na ma­ging ang mga doctors niya ay nagugulat.


Sa ngayon ay hinihintay na lang daw nila kung kailan sila pupuwedeng i-release at sa bahay na lang ang maging recovery ni Francis.


Patuloy pa rin daw ang pagsasalin ng dugo kay Francis. But this time, it’s more for his platelet na. At natutuwa rin si Maxene na hanggang ngayon ay patuloy pa rin daw ang dagsa ng mga tao sa Medical City sa pagdo-donate ng mga dugo.


“Actually, tine-turn-away na nila ang mga taong nagpupunta kasi, sob­ra na talaga. Ang sabi nila, kung puwedeng next time na lang ulit kapag

kailangan na ulit. Mas kailangan ngayon is in Red Cross, kailangan nila ng donor. So, doon na lang. If ever na may mga gustong mag-donate, please donate in Red Cross.”


Ano ang nakikita niyang disposisyon ng papa niya ngayon?


“He’s still very strong, jolly, mapagbiro pa rin. Parang walang sakit. Actually, ‘yung ginagawa niya rin ‘yung pagiging strong niya, he’s doing that for himself and also for us kasi, ayaw niyang makita kami na sad.


“And we’re very glad kasi, he’s the strongest out of all of us. Kami siyempre, like my mom, is pinaka-sad, but then, she’s being strong kasi, strong din ang dad ko.


“Parang nagba-bounce off ang energy namin sa isa’t isa. ‘Yung dad ko, we’re very thankful na hindi siya ‘yung depressed na kailangan pa naming i-cheer-up. It comes from him na that he knows, he has to be strong.
“‘Yung first step kasi sa pag-treat ng cancer is ‘yung positive attitude and he always tell us na we can do this. Palagi niyang sinasabi na kaya niyang labanan.”


Paano siya naapektuhan when he first found out?


“Sobra talagang devastated! I couldn’t believe it at first. I even asked her, seryoso ka ba?’ Sabi niya, yes, we’ve known na a few days but we told you lang now para lang i-prepare ourselves how to tell you.


“So, when he told me over the phone, he wasn’t crying.

 

Ako ‘yung iyak nang iyak talaga and sabi niya, don’t cry, we can do this. Talagang very strong siya. Ako, iyak ako nang iyak for a few hours and then, afterwards, sabi ko, okey, tama na! Agad akong nagpunta sa internet at nag-research ako like ano ba ‘to? Ano ba magagawa?


“So, instead of crying and sulking. I chose to not think of my feelings and focus more on papa. Tina-try ko na huwag magpa-apekto. Kaya sa mga eksena ko sa Una Kang Naging Akin na kailangang umiyak, doon ko na lang dinadaan.”


Pero inamin din niyang nahihirapan pa rin daw siyang umiyak because she wants to keep a happy disposition nga. Mabuti na lang daw at naririyan ang director nilang si Direk Joel Lamangan at tinutulungan siya nito.


Kuwento pa ni Ma­xene, parang wala lang daw ta­lagang sakit si Francis.
“Everytime na pu­­mupunta kami ng hospital, ang likut-likot niya! ‘Yung mom ko ‘yung palaging, huwag kang malikot kasi nga, ‘yung mga nakadikit sa kanya, ‘yung mga dextrose.”


Paano naman na-take ng mga nakababata niyang kapatid ang kalagayan ng papa nila?


“‘Yung brother ko, si Elmo, he’s fourteen na, siya ‘yung sinabihan na may leukemia. Siyempre, he knows na what it is kaya talagang iyak siya nang iyak!


“‘Yung dala­wang bata, eight and nine years old, sina Clara at Arkins,

noong sinabihan sila, siyempre, nakikita nila sa TV, tinanong nila, what’s that? What’s that?


“Pero sinabi namin na papa is sick and he’s at the hospital. Sila, okey?

Alam nilang may sakit, pero, hindi nila alam ang gravity. They know that papa is sick pero hindi sila ‘yung iyak nang iyak. Nakakapag-visit naman sila. Nakakapag-web­cam.”


On the other hand, meron din daw positibong effect sa kanilang pamilya ang pinagdadaanan nga­yon ni Francis.


“I see this as a positive thing instead of looking at it on a negative way. Mas naging close ang family namin at feeling ko, this is a sign na kailangan namin, kasi, ang laki ng family namin. Slowly, mas nagdi-drift apart na kami especially nag-aaral na ka­ming malalaki. Then, ‘yung ate ko, she has her own family and my dad is always working.


“So, because of this, mas closer ang bond namin as a family. Feeling ko, it’s a sign that we need to be more intact. And it definitely get us closer to one another.”


Very limited pa rin daw ang mga tinatanggap na bisita sa room ng ama sa dahilang napakahina na nga ng immunity nito. Kung may sipon ka or kahit konting sakit, hindi ka puwedeng pumasok kasi, madali na nga siyang mahahawa.


“Pinipili kung sino ang pumupunta. Si Tito Bitoy (Michael V), bumibisita siya. So, natutuwa naman siya. Ang dami talagang gustong bumisita but my mom, she says na huwag na muna.


“Actually, very overwhelming. I am very thankful, our family is very thankful that my dad is so loved and talagang ang daming nagmamahal sa kanya. Ang da­ming tumutulong at sumusuporta. I keep telling to keep praying for my dad kasi, ‘yun nga ‘yung makakapagpagaling sa kanya, ‘yung mga prayers.”


Naikuwento rin ni Ma­xene na supposedly raw, guest sana ang daddy niya for Eraserheads reunion concert. But since it happened nga, talagang nalungkot daw ang grupo dahil very close nga raw si Kiko sa mga ito.
Possible raw na isa ang Eraserheads sa mga sina­sabing nagpa-plano ng mga benefit concerts.


“Well, pagdating sa hos­pital bills talagang mabigat, mahal. Siyempre,

hindi naman porke’t mga artista kami, but you know, it’s really expensive. So, sana nga, sa mga nagsasabing nagpaplano ng benefit concerts, sana, sana nga matuloy.


“If ever, any kind of help is welcome talaga,” pahayag pa ni Maxene.


Incidentally, si Ma­xene ang gaganap sa da­ting role ni Sharon Cuneta sa Una Kang Naging Akin opposites Wendell Ramos at magsisimula na itong masubaybayan ngayong Lunes ng hapon sa GMA-7.


 
 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section