GABAY NG DIYOS

Bulkang Taal gumalaw
(Noel Abuel)

 

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) sa publiko at mga dayuhang nagpupunta sa Taal Volcano na mag-ingat matapos na makapagtala ng abnormalidad sa nakalipas na 24-oras.


Nabatid sa Phivolcs na simula kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ay nakapagtala ng 11 volcanic earthquakes sa ibabaw ng bunganga ng bulkan.
Dalawa sa 11 volcanic earthquakes ay naitala dakong alas-12:33 at alas-12:46 kahapon at naramdaman ang Intensity II sa Barangay Pira-Piraso ng nasabing lugar.


Kasabay ng paggalaw sa ibabaw ng bulkan ay naram­daman din ang pagdagundong ng mga volcanic materials pababa ng paanan ng bulkan sa hilagang sila­ngang bahagi nito.


Dinaanan nito ang lugar ng Bgy. Daang Kastila na naitala sa lalim na 0.6 kilometro at 0.8 km.


Pinaalalahan din ng Phivolcs ang publiko na off-limits pa rin ang main crater area dahilan sa posibleng pagkakaroon ng biglang pagsabog.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section