NAGING
generous si Maxene Magalona sa pagkukuwento tungkol sa kalagayan
ng kanyang tatay na si Francis Magalona sa presscon ng Una
Kang Naging Akin.
Ikinuwento ni Maxene sa entertainment press na naka-confine pa rin
si Francis sa ospital. Naghihintay raw sila ng advice mula sa doktor
kung kailan puwedeng umuwi ng bahay ang sikat na TV host/ rapper.
Ayon kay Maxene, thirteen pounds ang nabawas sa timbang ng kanyang
ama kaya lalo itong nagmukhang bata.
“Mukhang high school student,” ang description ni Maxene
kay Francis na na-maintain ang boyish look kahit 44 years old na
siya.
Para patunayan na hindi totoo ang mga balita na nalugas ang
buhok ni Francis dahil sa chemotherapy treatment, ipinakita
ni Maxene sa mga kausap na reporter ang mms photo na ipinadala ni
Francis sa kanyang cellphone.
Kuha mula sa hospital room ang litrato ni Francis na agad na kinunan
ang sarili at ipinadala kay Maxene nang malaman niya na itinatanong
ng mga reporter ang kanyang physical appearance mula nang ma-diagnose
ng mga doktor ang sakit na leukemia.
***
Lalong naging close si Francis sa pamilya niya at ayon kay Maxene,
isa ito sa positive effect ng pagkakaroon ng leukemia ng kanyang
ama.
Iniyakan ni Maxene ang balita na may karamdaman si Francis pero
na-realize niya na kailangang harapin ang katotohanan at maging
matatag para sa kanyang mga magulang at kapatid.
Ni minsan, hindi raw niya tinanong ang Diyos kung bakit nagkaroon
ng leukemia ang kanyang ama.
May sariling pamilya na ang dalawang nakatatandang kapatid ni Maxene
kaya siya na raw ang tumatayong panganay sa limang nakababatang
kapatid.
Kung kinakailangan, handa si Maxene na isakripisyo ang kanyang pag-aaral
para sa ikagagaling ng kalusugan ni Francis. Pero ito ang may
gusto na makatapos siya ng college course.
Social Sciences ang kurso ni Maxene sa Ateneo De Manila University
at malapit nang matapos ang kanyang pag-aaral.
***
Ang mag-perform sa isang show kapag lumabas na siya sa ospital ang
request ni Francis sa kanyang mga doktor pero pinagbawalan siya.
Gustung-gusto ni Francis na dumalo mamayang gabi sa reunion concert
ng Erasersheads.
Incidentally, nagluluksa ang Eraserheads lead vocalist na si Ely
Buendia dahil sa pagpanaw ng kanyang ina noong Huwebes.
Dumaraan sa maraming pagsubok ang reunion concert ng Eraserheads.
Muntik nang hindi matuloy ang kanilang show
dahil sa kontrobersya tungkol sa cigarette company na sponsor ng
nabanggit na concert.
***
Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.
|