GABAY NG DIYOS

Nahihiyang magpakita ng mukha at humarap sa media sina PO1 Rexon Nuevo y Soriano, tauhan ng Philippine National Police-Maritime Police na nakatalaga sa Tanza, Cavite at kasamang si Edgardo Ibay y Flores na nahuli ng mga tauhan ng MPD habang nangongotong sa isang motorista kamakalawa ng gabi sa Malate, Manila. (Noel Tolentino)

TRAINING PLANE BUMAGSAK DIN!

NINA JB SALARZON AT OTTO OSORIO

 

Natagpuan na ng search and rescue team na ipinadala ng awtoridad para sa paghahanap ng training plane na bumagsak noong hapon ng Huwebes sa karagatang ma­lapit sa Lubang Island sa bayan ng Lubang, Occidental Mindoro.


Narekober na rin ang bangkay ng student pilot ng Air Link Aviation College (ALAC) na kinila­lang si Dennis Garcia na nagpalipad sa bumagsak na Tomahawk PA 38-112 training plane sa karagatan ng nasabing isla.


Sa ulat ni Chief Supt. Luisito Palmera, regional director ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon), natagpuan ang bangkay ni Garcia na lulutang-lutang sa bisinidad ng Barangay Tagbac.


Napag-alaman na ang eroplano ay bumulusok sa dagat dalawang kilometro sa Hilaga ng dalampasigan ng Lubang nang magsagawa ng approach upang mag-landing ang aircraft sa Runway 07 sa Lubang Airport.


Nakipag-ugnayan ang mga residente ng isla sa lokal na opisyal at Philippine Coast Guard (PCG) na kaagad namang nagsa­gawa ng rescue operation.
Ganap na alas-9:45 ng umaga kahapon ay narekober ang eroplano at piloto.


Kaagad na nagpadala ng aircraft accident investigation team ang CAAP upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.


Ang insidente ay kasunod ng nangyaring pagbagsak ng C-130 cargo plane noong gabi ng Lunes sa karagatn sa pagitan ng Davao at Samal Island na ikinamatay ng siyam na sundalo.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section