MONDAY, AUGUST 29, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

TAMA KA BA?

SERIOUSLY!?

ISTAYL
Sagot sa singaw
George Nava True

 

Bakit nagkakaroon ng singaw sa bibig kahit palagi ka naman nagsisipilyo araw-araw? Paano ito maiiwasan? Sana ma-tulungan niyo ako. Salamat sa iyo. – Dimple Bustamante, Cavite City.

* * *

Salamat din sa liham mo, Dimple. Ang medical term ng singaw ay canker sores o aphthous ulcers. Ito ay mga maliliit at mababaw na sugat, na lumalabas sa mga soft tissues ng bibig o sa ibabang gilagid.

Hindi ito nakakahawa tulad ng cold sores na galing sa herpes virus at makikita sa labi ngunit masakit ito at maaaring mahirapan kang kumain at magsalita.

Bilog o hugis-itlog ang mga canker sores na ma-pula at may puti o dilaw na kulay sa gitna nito. Bumubuo ito sa loob ng bibig, sa taas o ilalim ng dila, o sa loob ng pisngi o labi. Maaaring makaramdam ka ng burning sensation isa o dalawang araw bago lumabas ito.

Maraming klaseng canker sores. Ang mga minor canker sores ay may dyametrong ½ inch o 12 millimeters lamang at nawawala sa isa o dalawang linggo. Ang mga major canker sores naman ay mas malaki dyan at irregular ang hugis nito. Umaabot ng anim na linggo ito bago mawala at kadalasan nag-iiwan ng galos.

Hindi alam kung ano talaga ang dahlian kung bakit nagkakaroon ng canker sores ang isang tao. Maaaring lumabas ito kapag nasugatan ang bibig sa dental work, sobrang pag-brush ng ngipin, sports accidents, pagkagat ng dila o pisngi o dahil sa maanghang o acidic na pagkain.

Kutob ng iba, may kinalaman dito ang food sensitivity ng isang tao sa chocolate, kape, strawberries, itlog, keso o pinya. Kapag kulang ka sa vitamin B-12, zinc, folate (folic acid) o iron, maaaring magkaroon ka rin ng canker sores.

Ang bacteria na nagdudulot ng peptic ulcer – ang helicobacter pylori – ay isa pang dahilanng canker sores. Makikita rin ang canker sores sa mga taong may celiac disease – isang delikado na intestinal disorder dahil sa sensitivity sa gluten na makikita sa maraming grains.

Kung may depekto ang immune system o may HIV/AIDS, dadalas din ang paglabas ng canker sores. Hormonal shifts tuwing may regla ang isang babae at emotional stress ay may kinalaman din sa canker sores. Makikita din ito sa mga taong gumagamit ng toothpaste o mouthwash na may sodium lauryl sulfate.

Tulad ng sinabi ko kanina, ang mga minor canker sores ay kusang loob nawawala sa isa o dalawang linggo. Pero kapag malalaki at masakit ang canker sores mo at hindi basta-basta nawawala, ibang usapan na ‘yan. Tatalakayin ko sa Miyerkules kung ano ang dapat gawin para rito.

* * *

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag e-mail kay George Nava True II sageorgenavatrue@yahoo.com. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 42.3000
Bahrain Dinar 112.208
Euro 61.3329
HK Dollar 5.42558
Japan Yen 0.552003
Saudi Riyal 11.2789
S’pore Dollar 35.1621
Taiwan Dollar 1.45736
UAE Dirham 11.5173
UK Pound 69.2388
COLUMNIST OF THE DAY
Pananakot
   
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section