www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Estudyante pinukpok ng tubo
(Dindo Matining)

 

Halos mabasag ang ulo ng isang estudyante matapos pagtulungang pukpukin at hatawin ng tubo ng magkaibigan habang kumakain ng lugaw sa Pasig City noong Lunes.


Ginagamot ngayon sa Pasig City General Hospital si Eagle Mayao, 20, nakatira sa Stella Mariz St., Brgy. Maybunga Pasig City sanhi ng tinamong sugat sa ulo. Nadakip naman ang dalawang suspek na sina Benhur Gulilat, 23, service crew at Henson Agir, 20, estudyante, kapwa taga-Lakas Bisig St., Cainta, Rizal.


Ayon kay PO1 Harold Mangaoil, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa Westbank Road, Brgy. Maybunga.


Mag-isang kumakain ng lugaw ang biktima sa isang karinderya sa Westbank Road nang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pinukpok ng bato at hinataw ng tubo sa ulo biktima. Nang bumulagta ang binata ay mabilis na tumakas ang mga ito.


Kaagad namang nagsumbong ang mga saksi sa pulisya at nadakip ang mga suspek sa follow-up operation.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section