Itinalaga kahapon ni Pangulong Benigno 'Noynoy' Aquino III si Associate Justice Maria Lourdes Punzalan Aranal Sereno bilang ika-24 na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Si Sereno ang kauna-unahang babaeng Chief Justice ng SC (Supreme Court) sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito rin ang kauna-unahang appointee ni Pangulong Aquino sa SC noong Agosto 13, 2010 at dahil 52-anyos pa lamang ito at hanggang 70-anyos ang mandatory retirement sa mga mahistrado ng SC ay posibleng makapaglingkod ng hanggang 18 taon sa kanyang puwesto. |