|
Tuluy-tuloy na rollback sa presyo ng liquefied
petroleum gas (LPG) ang hinirit kahapon ng Malacañang matapos
ang P1 bawat kilogram na rollback ng Petron Corporation at Total
Philippines nitong weekend.
Sa panayam sa telepono, sinabi ni deputy presidential
spokesman Anthony Golez, na ikinatutuwa ng gobyerno ang rollback
sa LPG price dahil malaking kapakinabangan ito sa mga pangkaraniwang
pamilyang Pinoy.
Pakiusap nito, kung magtutuluy-tuloy naman ang
pagbaba sa presyo ng langis sa world market ay hindi kalabisan kung
hihilingin nila na ituluy-tuloy na ang rollback sa presyo ng
LPG sa mga susunod na araw upang higit na maramdaman ng mahihirap
ang konsolasyong dulot nito.
|