AMADEO, Cavite --- Nahaharap
ngayon sa kasong parricide ang isang ina matapos nitong patayin
ang kaniyang 10-anyos na anak sa taniman ng kape sa bayang
ito noong Sabado.
Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang
si Joel Rosales y Oraa, ng Bgy. 6, Poblacion, samantala tumakas
naman ang ina nitong si Vilma Rosales, 44.
Sa report na nakalap mula sa tanggapan
ni Sr. Supt. Hernando Zafra, provincial director, ang bata ay dinala
umano ng kaniyang ina sa taniman ng kape.
Nang hanapin ng ama ng bata ang huli, sinundan
ito sa taniman ng kape hanggang makitang nakahandusay, duguan at
wala nang buhay ang biktima.
Samantala hindi na rin umano makita ang ina
ng bata na pinaniniwalaang nagtago na.
|