FRIDAY, AUGUST 24, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Zsa Zsa, lalong hahamig ng simpatiya sa publiko
 Jojo Gabinete

King of Stages ang bansag kay Christian Bautista dahil siya ang kauna-unahang talent ng STAGES, ang talent management agency na in charge rin sa entertainment career nina Sam Concepcion, Enrique Gil, Tippy Dos Santos at Karylle.


Kung si Christian ang King of Stages, si Sam ang Prince of Stages na nagpakitang-gilas sa I Do Bidoo Bidoo, ang much awaited movie ng Unitel Productions at Studio 5.


Kapag pinanood ni Christian ang I Do Bidoo Bidoo, tiyak na mangangarap siya na mabigyan ng isang magandang pro­ject, katulad ng pelikula na ipinagkatiwala kay Sam.


Napanood namin noong Miyerkules ang I Do Bidoo Bidoo sa special screening na ginanap pagkatapos ng big presscon ng X Class, ang 10th anniversary concert ni Christian.

Highly recommended namin sa lahat na panoorin ang I Do Bidoo Bidoo na napakasimple ng kuwento pero napakaganda dahil sa magaling na pagganap ng mga artista at mahusay na direksyon ni Chris Martinez.


Walang intensyon ang pelikula na paiyakin ang viewers, pero siguradong maluluha sila sa mga eksena at kanta na pinasikat noon ng APO Hiking Society na may surprise appearance rin sa pelikula.


Naramdaman namin ang pagluha nina Mario Bautista at Gorgy Rula na mga katabi namin sa upuan dahil sa kanilang pagsinghut-singhot habang nanonood.


Madaragdagan ang simpatiya ng publiko kay Zsa Zsa Padilla dahil sa dramatic rendition niya sa Tuyo Nang Damdamin. Marami naman ang makaka-relate sa eksena nina Sam at Neil Coleta.


Rebelasyon si Sam sa I Do Bidoo Bidoo kaya hindi nakapagtataka kung kainggitan siya ng ibang young actors dahil sa big break at good project na ibinigay sa kanya ng Unitel Productions.


Sa sobrang galing ng buong cast ng I Do Bidoo Bidoo, magkakaroon ka ng pakiramdam na i-hug sila bilang appreciation sa kanilang performance at ganito ang ginawa namin kay Ogie Alcasid pagkatapos ng movie screening.


***


Labing-walo sa maraming kanta na pinasikat ng APO ang ginamit sa I Do Bidoo Bidoo. Masahol pa sa trip down memory lane ang aming pakiramdam nang kantahin ng I Do Bidoo Bidoo cast ang hit songs ng APO na matagal nang hindi namin naririnig.


Garantisado na maaalaala ng mga nagbabalak manood ng pelikula ang kanilang nakaraan pag narinig nila ang Blue Jeans, Batang Bata, Awit ng Barkada, Kaibigan, Kabilugan ng Buwan, Huwag Masanay sa Pagmamahal, etc.


***


Going back to Christian Bautista, ikinuwento niya na hindi pinalad na maging contestant ng The X Factor Philippines ang kanyang kapatid na si Jordan pero may mga plano sa singing career nito.


Puwedeng-puwede si Jordan na mag-guest sa anniversary concert ni Christian dahil may talent din siya sa pagkanta. Hindi ginamit ni Jordan si Christian nang sumali siya sa auditions ng The X Factor.


Judge ng The X Factor Philippines si Gary na nag-deliver din ng mahusay na performance sa I Do ­Bidoo Bidoo bilang asawa ni Zsa Zsa Padilla. Pinaluha ni Gary ang ­audience sa special screening nang kantahin niya ang Batang Bata at Paano.

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.1692
Bahrain Dinar 111.828
Canadian Dollar 42.6038
Euro 52.8348
Australian Dollar44.3132
HK Dollar 5.43581
Japan Yen 0.537150
Saudi Riyal 11.2414
S’pore Dollar 33.8526
Taiwan Dollar 1.40810
UAE Dirham 11.4784
UK Pound 67.0019
COLUMNIST OF THE DAY
PINOY NOBELA

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section