Dedepensahan ng mga pro-Reproductive Health (RH) Bill congressmen ang mga propesor ng Ateneo de Manila University na ginigipit umano ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) matapos suportahan ang nasabing panukalang batas.
Ito ang tiniyak ni Gabriela partylist Rep. Luzviminda Ilagan kasabay ng pagkondena sa CBCP na nagpaimbestiga sa may 160 faculty members ng nasabing unibersidad dahil sa paglagda ng mga ito sa isang petisyon para sa agarang pagpapatibay sa RH bill.
|