ROME (AP) --- Inihayag ng mga world leaders nitong Lunes na nalalapit na ang pagbagsak ng rehimen ni Moammar Gadhafi at nanawagan sa Libyan leader na sumuko na ito, habang daan-daang mga Libyans na naninirahan sa ibang mga bansa ay nagdiriwang na sa mga lansangan matapos makontrol ang halos sentro ng Libya.
Sa mga ipinakitang mabilis na pangyayari at sagupaan na napaulat nitong Lunes malapit sa Gadhafi’s compound sa Tripoli, hinimok ng mga lider sa buong European capitals si Gadhafi na iwasan na ang pagdanak ng dugo ng kanyang mga kababayan at sa halip ay sumuko na ito sa International Criminal Court. |