GABAY NG DIYOS

Petisyon vs MOA-AD iaatras kung...
(Eralyn Prado)

 

Handang iatras ng isa sa mga humaharang sa memorandum of agreement on ancestral domain (MOA-AD) ang kanilang petisyon sa sandaling magbigay ng pleading sa Supreme Court (SC) na opisyal nag-aatras o nagkakansela sa naturang kasunduan.


Bukod dito, kailangan din umanong tiyakin ng pamahalaan na ang anumang kasunduan na kanilang papasukin sa mga susunod na panahon ay naaayon sa sa Konstitusyon at magbibigay ng sapat na proteksyon sa soberenya ng bansa sa kabuuan.


Gayundin ang pagtiyak na magkakaroon ng isang tunay na konsultasyon sa buong samabayang Filipino.


Ang mga nabanggit na kondisyon ay ipinahayag ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat sa pagpapatuloy ng oral arguments sa SC kahapon nang tanungin ito ni Justice Eduardo Nachura kung handa nitong iatras ang kanilang petisyon kasunod ng ipinahiwatig na pag-atras ng Malacañang sa kasunduan kamakalawa.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section