Kahit dalaga ay hindi sinasantong bastusin ng isang
kilalang suplado na miyembro ng gabinete sa isang nakaraang
okasyon sa loob mismo ng Malacañang.
Bale ba naman, ayon sa kampo ni Mang Teban, ay maganda
ang intensyon ng dalaga dahil nagpakilala pa ito ng
maayos kay Kalihim upang makapanayam ito nang saglit,
bagay na kailangan sa uri ng trabaho ni bebot.
Ngunit nang tangkang makipag-kamay ni dalaga ay dinedma
itong abutin ni supladong Kalihim at diretso ang tingin
sa ibang sulok na parang walang nakikitang tao.
In fairness, saglit na nagpa-interview si mokong pero
walang sustansiyang nakuha mula sa malabnaw nitong mga
pahayag at siyempre, biglang alis ito sa eksena
nang hindi nagpapaalam sa kausap, as in pinangatawanan
nito ang pagiging bastos.
Pasasalamat tuloy ng ibang miron, mabuti na lamang at
hindi natuloy ang pagtakbong Senador ni Kalihim noon
dahil tiyak na magsusuplado din ito sa mga pangkaraniwang
tao porke nga may pagka-Hitler ang ugali nito.
Sabagay, kahit tumakbo pa sa halalan ay talagang marami
ang nagdududa kung mananalo si mokong dahil wala naman
itong ibang kredensyal maliban sa pagiging traydor
sa isang political personality na dati nitong pinagsilbihan.
Pintahan n’yo na: Si supladong Kalihim ay itago
na lamang natin sa codename K.
|