THURSDAY, AUGUST 22, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
SPORTS
PBA double-header postponed
 
(RCruz)
 

Dahil sa malawakang pagbaha sa Metro Manila sanhi ng patuloy na pananalasa ng bagyong Ma­ring, kinansela kahapon ang twinbill ng PBA Gover­nors Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum.


“The PBA is cancelling its games today (kahapon) due to floods and the continuing inclement weather,” esplika ni pro league commissioner Chito Salud, sa pamamagitan ng kanyang special assistant at media bureau head Willy Marcial.


Itatakda pa ang bagong petsa kung kailan itutuloy ang pagpapang-abot ng GlobalPort at San Mig Coffee sa first game, at ang magtatapat sa main match na Talk ‘N Text at Alaska.


Balak ng Tropang Texters (1-0) na akbayan sa liderato ang defending champion Rain or Shine (2-0) kontra sa debutanteng Aces.


Kagabi din sana bibin­yagan ang bagong import ng Alaska, si French league veteran Wendell McKines.


Pakay naman ng Batang Pier (1-1) na bumawi sa huling taob habang ang Mixers (0-2) ay sa kambal na semplang sa sprint season-ending conference.


Sa ngayon, paghahan­daan muna ng Tropang Texters ang pakikihamok naman sa San Mig sa Linggo.


“We are now looking forward to San Mig Coffee,” ani TNT coach Norman Black.


Para kay coach Luigi Trillo, humaba pa ang pahinga ng Aces niya ngayong na-postpone ang una sana nilang laro sa torneo.


Bukas ay ang GlobalPort na ang bibinyag sa Alaska at kay McKines.


“We just have to adjust and move forward against the Batang Pier. Tough team,” ani Trillo.

 




 


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.8799
Bahrain Dinar 116.400
Canadian Dollar 42.1012
Euro 58.8525
Australian Dollar39.6505
HK Dollar 5.65843
Japan Yen 0.449956
Saudi Riyal 11.7008
S’pore Dollar 34.3723
Taiwan Dollar 1.46283
UAE Dirham 11.9466
UK Pound 68.7242
COLUMNIST OF THE DAY
Kasabwat din ang bagyo?
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section