Isang pribadong Cessna plane na kinalululanan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo ang nag-crash sa dagat ng Masbate kahapon, ayon sa Malacañang.
Sa isang text message kinumpirma ni presidential spokesman Edwin Lacierda na lulan ng bumagsak na eroplano si Robredo at patuloy umano ang isinasagawang search and rescue operation sa pinagbagsakan ng naturang 4-seater plane. |