SATURDAY, AUGUST 11, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
LJ REYES, sinuwerte sa anak
nila ni Paulo Avelino
Ni ROSE GARCIA 

Napakasuwerte ni LJ Reyes. Puwede sigurong sabihin na masuwerte rin sa kanya ang anak nila ni Paulo Avelino na si Ethan Akio dahil simula yata ng dumating ito sa buhay niya, puro magaganda lahat ang nangyayari lalo na sa showbiz career niya.

Bagama’t hindi nasungkit ni LJ ang Best Actress trophy ng Cinemalaya sa kabila ng marami ang nagsasabi noong mapanood ang Intoy Syokoy na posible siyang manalo, hindi raw siya nalungkot dahil dito.

“Alam niyo, hindi talaga. Siguro kasi, unang-una, hindi talaga ako nag-expect.

“Hindi ko nilagay sa utak ko na, ay, mananalo ko. Walang ganoon. Kaya wala, okay lang.

“Masaya pa nga ako kasi, doon sa mga nakakarating sa aking feedback, doon pa lang, parang wow, sobrang okay na. Okay na ko,” sabi ni LJ.

At malaking bagay rin daw na may bago siyang teleserye sa GMA at ngayon, bida na siya ng primetime sa Aso ni San Roque.

“So, ano ang feeling na hindi na siya mang-aapi, siya ang aapihin at bida na nga siya sa primetime pa?

Naku, siyempre, masaya pero, nakaka-pressure. Ha! Ha! Ha! Pero siyempre, gagawin ko ‘yung lahat ng best.

Actually, hindi lang naman ako, ‘yung aso at saka si Mona (Louise Ray). Very grateful lang talaga ako sa mga opportunity, sa mga blessing, talagang thank you Lord!

“Siguro isa rin ‘yun sa dahilan kaya okay lang talaga sa akin ‘yung sa Intoy Syokoy kasi, ang laki rin ng nagawa sa akin ng movie. Bago pa ang awards night, alam ko na itong tungkol sa Aso ni San Roque, kaya sobrang alam mo ‘yun, sobrang saya ko lang talaga.”

Natatawa naman si LJ dahil parang nagkatotoo ang biro niya noong minsan makausap ng press na nagawa na nga raw niya magkontrabida, mag-pokpok at maging aswang para sa Tiktik: The Aswang Chronicles na mo­vie nila nina Dingdong Dantes at Lovi Poe, baka raw susunod, manananggal naman siya.

Nagkatotoo dahil sa Aso ni San Roque, isa pala siyang manananggal.

“May dahilan bakit ako naging manananggal. Ang ganda ng kuwento. ‘Yun ang isa sa puwedeng abangan kasi, bago siyang talaga.”

‘Yun nga lang, sa kalagitnaan ng taping nila, kailangang umalis ng ilang araw ni LJ ng bansa para magpunta sa New York kasama ang anak. Taun-taon ay ginagawa ito ni LJ para ayusin din ang papers niya roon at the same time, dalawin ang kanyang ina na nasa New York.

 

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.8945
Bahrain Dinar 110.982
Canadian Dollar 42.1193
Euro 51.4197
Australian Dollar44.0590
HK Dollar 5.39980
Japan Yen 0.533229
Saudi Riyal 11.1687
S’pore Dollar 33.6052
Taiwan Dollar 1.39864
UAE Dirham 11.4053
UK Pound 65.4429
COLUMNIST OF THE DAY
PINOY NOBELA

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section