SATURDAY, AUGUST 10, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
TOP STORIES
Baldoz mahihila sa ‘sex-for-flight’ scandal
(Marlo Dalisay at Dindo Matining)
 

Hindi malayong madiin si Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz sa usapin kaugnay sa kontrobersyal na sex-for-flight scandal kung saan isinasangkot ang mga tauhan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Saudi Arabia at iba pang bahagi ng Middle East.


Sa isinagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Teofisto ‘TG’ Guingona III, nabulgar ang umano’y kapabayaan o pagkibit-balikat lamang ni Baldos sa umano’y pang-aabuso sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Bahay Kalinga ng DOLE sa Saudi kung saan inaalok umano ang mga distressed OFWs na makipag-sex sa mga POLO officials kapalit ng tiket pauwi ng Pilipinas.


Kaugnay nito, sinabon ni Senadora Cynthia Villar si Baldoz sa hindi pagkibo sa nasabing usapin na aniya’y pagpapakita lamang na pinagtatakpan nito ang mga kahalayaan at pang-aabuso sa kapangyarihan ng kanyang mga tauhan sa Bahay Kalinga.


“Nagko-complain ng attempted rape ang biktima, and she is being settled with money. Is that a good policy?” ang tanong pa ni Villar kay Baldoz kaugnay umano sa tangkang panggagahasa ng driver ng isang labor attaché sa Saudi sa isang runaway OFW na noong huli ay inalok ito ng pera para manahimik ito sa naturang usapin.


Sinabi pa ni Villar kay Baldoz na kung ang reklamo ng biktima ay hindi umano pagtanggap ng tamang suweldo mula sa amo ay puwede itong alukin ng pera, pero ang nabanggit na senaryo ay hindi umano uubra sa kasong panggagahasa na mismong taga-POLO ay isinasangkot.


“Ako lang Secretary Baldoz, na-shock lang ako na pinababayaan n’yo ‘yung mga ganu’ng complaint na ito, siguro naman you will act swiftly and it should never be a policy of government agency, masya­dong grabe ang accusation para iresolba ng palihim,” ang paliwanag pa ng senadora.





Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.5299
Bahrain Dinar 115.455
Canadian Dollar 42.1870
Euro 58.2653
Australian Dollar39.8043
HK Dollar 5.61325
Japan Yen 0.450899
Saudi Riyal 11.6068
S’pore Dollar 34.5796
Taiwan Dollar 1.45525
UAE Dirham 11.8514
UK Pound 67.6912
COLUMNIST OF THE DAY
Obispo: Huwag nang makialam sa trapik
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section