Binalaan kahapon ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag munang inumin ang tubig na lumalabas sa kanilang gripo at tanging distilled water muna ang inumin o magtiyagang magpakulo ng iinuming tubig gayundin ang gagamitin sa pagluluto.
Sinabi ni Health Sec. Enrique Ona na karaniwang mataas ang insidente ng diarrhea at cholera matapos ang nararanasang pagbaha at upang makaiwas dito ay dapat tiyaking malinis na tubig ang pagkukunan. |