TANGGAP
ni Gabby Concepcion kung marami man ang magtaas ng kilay o kumuwestiyon
sa pagiging recording artist niya. Yes, may album na nga si Gabby
under Warner Music, na kung saan ay 12 na kanta ang binanatan niya.
“Natural lang na may mag-react. I never used to sing in TV,”
say ni Gabby.
Nag-voice lessons ba siya bago gumawa ng album?
“Actually, nu’ng nasa States ako, si Jam Morales, nakatira
siya sa New Mexico. Nagkaroon kami ng time na makapag-practice.
Although, hindi ko naman siya ginawang career. Siyempre kaibigan,
nagkataong may recording studio si Jam. So, nag-practice kami. Tinuruan
niya ko ng tamang breathing, mga exercises.”
Siyanga pala, dadalo ka ba sa premiere night ng movie nina KC Concepcion
at Richard Gutierrez na For The First Time? Kung dadalo kasi
siya, siguradong magkikita sila ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta.
Eh, mukhang ayaw pa naman ni Sharon na magkita sila, at nag-request
pa nga ito na huwag siyang dumalo sa concert niya ngayong gabi sa
Araneta Coliseum.
“Well, if I’m requested to be there, pupunta ako,”
say ni Gabby.
Kaya na niyang makita si Sharon?
“Well, kahit naman sino, I’m willing to see. Kahit naman
noong araw, lahat ng tao gusto kong makita. Actually, hindi
ko nga alam kung bakit nagiging big deal, pero, para sa akin, there’s
no big deal.
“Hindi ko alam kung sino ang gagawa ng sitting arrangement.
Pero kung magkakatabi kaming lahat, okey lang.”
Natatawa nga si Gabby dahil naunahan pa raw siyang gumawa ng movie
ni KC.
|