Umusad kahapon ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill makaraang mapaaga ang botohan kung dapat ba o hindi na ituloy ang debate ukol dito.
Sa pamamagitan ng "viva voce voting" idineklara ni presiding House Speaker Arnulfo Fuentabella na panalo ang "ayes" o yes vote sa "nye" o no vote sa mosyon ni House majority leader Neptali Gonzales na i-terminate o tuldukan na ang debate sa RH bill. |