Magiging dahilan upang mapatalsik sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Maynila ang mga estudyante sa high school at kolehiyo kung sila ay may kinaaanibang fraternities.
Ito ang babala ni Manila Mayor Alfredo Lim kahapon partikular sa mga mag-aaral sa mga city-run public schools na nagsasabing may ipinatutupad na polisiya ang lungsod laban sa mga pagtatatag o pagsali sa alinmang fraternity groups. |