SATURDAY, AUGUST 04, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Alden-Louise, nilampaso sa ratings sina Gabby, Iza, Andi at Jake!
 

Hindi talaga nagkamali ang GMA 7 na gawing bida na si Alden Richards, pati na rin ang ka-partner niyang si Louise delos Reyes. Eh kasi nga, wala talagang duda na bonggang-bongga ang ratings ng show nilang One True Love.

Aba, waging-wagi talaga sa ratings ang One True Love nina Alden at Louise. Malaking tulong talaga ang mga mahuhusay na artista na kasama nila tulad nina Jean Garcia, Agot Isidro at Raymond Bagatsing, dahil sa nationwide ratings mula sa period ng July 23-31 ay inilampaso talaga ng One True Love ang Kahit Puso'y Masugatan nina Gabby Concepcion, Iza Calzado, Andi Eigenmann at Jake Cuenca.

Basta nga sa household overnight data ng NUTAM (Nielsen, Philippines), ang One True Love ay nakakuha ng 37.1 share points na ratings, kumpara sa Kahit Puso'y Masugatan na 27 points lang ang nakuha, ha!

Well, patunay lang talaga na mahal ng viewers sina Alden at Louise. At sana nga ay hindi lumaki ang ulo nina Alden at Louise, dahil ang tagumpay ng show nila ngayon ay dahil na rin sa sama-samang effort nila sa show, lalo na ng mga beteranong sina Jean at Agot, ha!

***

Ihahatid ng GMA News TV ang dokumentaryong Marilyn Monroe: Fascination. Tampok sa dokyu ang hirap na pinagmulan, lungkot at pangu­ngulilang naranasan ni Marilyn Monroe. Tiniis ni Marilyn ang lahat ng batikos, insecurities, drug dependence, maging ang ilang miscarriages at ang tatlong broken marriage na kanyang dinanas. Kahit mara­ming hirap na pinagdaanan, ang angking ganda at talino ang patuloy na naglapit kay Marilyn sa kanyang mga tagahanga.

Agosto 5, 1962 ay hindi inaasahan na matatagpuang walang buhay ang 36 taong gulang na aktres.

Simula nito hanggang sa kasalukuyan, maraming ispekulasyon kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ika-50 anibersaryo ng kanyang kamatayan, muling balikan ang maningning na mundo ni Marilyn Monroe sa dokumentaryong Marilyn Monroe: Fascination bukas (Agosto 5, 9:55 PM) sa GMA News TV Channel 11.

 

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.9098
Bahrain Dinar 111.167
Canadian Dollar 41.6818
Euro 51.1108
Australian Dollar 43.9512
HK Dollar 5.40784
Japan Yen 0.535865
Saudi Riyal 11.1783
S’pore Dollar 33.5921
Taiwan Dollar 1.39847
UAE Dirham 11.4133
UK Pound 65.0723
COLUMNIST OF THE DAY
PINOY NOBELA

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section