| DAGUPAN CITY, Pangasinan --- Pinagbabaril
hanggang sa mapatay si Mayor Arthur Cabantac ng bayan ng Agno sa
lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Ayon kay PNP PD Police Sr. Supt. Isagani Neres, bandang alas-9:20
kamakalawa ng gabi nang barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek
ang alkalde habang naglalaro ng mahjong sa loob ng bahay ng isang
kaibigan.
Sinasabing M16 armalite rifle ang ginamit ng mga suspek kung
saan apat na basyo ng bala nito ang narekober sa labas ng bahay.
Tinitignan ng pulisya ang anggulong may personal na nakaaway ang
biktima at may kinalaman din sa pulitika ang pagpaslang sa opisyal.
Nagsagawa na ng follow-up investigation ang PNP Agno, CIDG at Provincial
investigation intelligence office.
|