FRIDAY, AUGUST 03, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
SHARON, PINAGBAWALAN NA SA TWITTER!
Director ng ABS, magdidirek ng epicserye ni Bong sa GMA
 
 

Magkakaroon ng malaking pagbabago sa TV show ni Megastar Sharon Cuneta para lalong maengganyo ang televiewers na panoorin ang kanyang programa. Pinayuhan din si Sharon na tigilan na ang pagiging active sa Twitter dahil nakakaapekto sa popularidad niya ang kanyang mga tweets.


***


Si Senator Bong Revilla, Jr. ang surprise guest sa birthday dinner ni Tita Ethel Ramos noong Miyerkules.

Hindi inaasahan ni Tita Ethel ang pagdating ni Bong dahil sa pagkakaalam niya, hindi pa bumabalik mula sa Ilocos Norte ang actor-politician.


Naunang dumating sa birthday dinner si Congresswoman Lani Mercado na inilihim din sa may kaarawan ang pagdating ng kanyang asawa. Kahit masungit ang panahon noong Miyerkules, nag-report si Lani sa kanyang opisina sa House of Congress pero pinuntahan muna niya ang mga kababayan sa Bacoor City na naapektuhan ni Typhoon Gener.


Labintatlong barangay ang binisita ni Lani at tiniyak nito na nasa maaayos na kalagayan ang 14,000 families na lumikas mula sa kanilang mga tahanan at pansamantalang nanirahan sa mga school.


***


Nagsimula na ang shooting ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako, ang pelikula nina Bong, Vic Sotto at Judy Ann Santos na official entry sa 2012 Metro Manila Film Festival. Kinukunan sa Ilocos Norte ang mga eksena ng pelikula at ipinagmamalaki ni Bong ang magandang location na mapapanood sa unang pagkakataon sa wide screen.


Pinaghahandaan din ni Bong ang taping ng Indio, ang historical fiction epicserye ng GMA 7 na pagbibidahan niya. Tinanggap ni Bong ang project dahil nagustuhan niya ang magandang kuwento pero tumanggi siya na sabihin ang pangalan ng direktor. Isang clue lang ang ibinigay niya, mula sa ABS -CBN ang mystery director.


Nagtagal si Bong sa birthday dinner ni Tita Ethel kaya nagpang-abot pa sila ni Aga Muhlach. Si Bong ang host ng Kap’s Amazing Stories ng GMA 7 at si Aga ang host ng Pinoy Explorer ng TV5.


Parehong napapanood tuwing Linggo ang dalawan­g programa pero hindi magkatapat ang mga timeslot.


***


Hindi na kasali si Zoren Legaspi sa Ang Latest, ang entertainment talk show ng TV5 na ipinalit sa Paparazzi. Sina Cristy Fermin, Mr. Fu, House Representative Lucy Torres-Gomez at Amy Perez ang mga host ng Ang Latest Updated na magsisimula bukas, August 4 at may timeslot na 10:30 a.m.


Nagpaalam man si Amy bilang host ng Face to Face, nagkaroon agad ito ng kapalit dahil inilagay siya ng TV5 management sa Ang Latest Updated. Pag-uusapan sa Ang Latest Updated ang mga kuwento tungkol sa mga artista at mga kaganapan sa local showbiz.


Kalahating-oras lang ang Ang Latest Updated pero magkakaroon din ng Ang Latest Up-To-The-Minute, ang series na maghahain ng maiinit na showbiz news sa loob ng isang minuto at araw-araw na mapapanood.


Ang Latest Up Late naman ang ipapalit sa dating timeslot ng Juicy na magtatapos na rin bukas. Thirty minutes ang running time at mula Lunes hanggang Biyernes ang Ang Latest Up Late na siksik din sa mga bagong showbiz news.

 

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.8500
Bahrain Dinar 111.001
Canadian Dollar 41.6309
Euro 51.2649
Australian Dollar43.8704
HK Dollar 5.39999
Japan Yen 0.533804
Saudi Riyal 11.1687
S’pore Dollar 33.5755
Taiwan Dollar 1.39847
UAE Dirham 11.4045
UK Pound 65.1190
COLUMNIST OF THE DAY
PINOY NOBELA

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section