WEDNESDAY, AUGUST 3, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

TAMA KA BA?

SERIOUSLY!?

ISTAYL
Dahilan ng plema
 

 

Binabasa ko ang iyong column tungkol sa kalusugan. May tanong ako tungkol sa aking anak na lalaki na 11 years old. Hindi nawawala ang plema niya na laging bumabara sa kanyang lalamunan mula pa ng grade 2 siya. Ehem nang ehem at nauubo siya lagi.


Pinakonsulta ko naman siya sa doctor at binigyan siya ng gamot sa ubo pero wala rin epekto. Pina x-ray ko na rin siya ng unit malinaw naman ang baga niya. Nag-aalala ako kasi nagkaroon ng TB yung nanay ko dati at yun ang kinamatay niya.


Active at energetic naman ang anak ko pero bakit di siya nawawalan ng plema? Antayin ko po ang inyong kasagutan. Salamat po. – Dely Chu


* * *


Ang plema ay isang malagkit, makapal at madulas na tubig na galing sa likod ng lalamunan o sa baga.

Ito’y tinatwag din na mucus kapag galing ito sa mucous membranes sa loob ng ilong. Sa isang araw, nakakagawa ng 1 to 2 quarts ng mucus ang katawan natin. Ito’y depensa ng katawan laban sa mga irritants at infection.


Ang mucus at plema ay makikita lagi sa katawan natin ngunit dumarami ito kapag ang tao ay may sipon o allergy. Dahil dito, lumalabas ang extra mucus sa ilong natin at ang plema naman na galing sa lalamunan o sa baga ay sumama sa ubo.


Mas makapal ang plema sa mucus. Bukod dito, ang plema ay may mga patay na bacteria, virus, alikabok, foreign particles at white blood cells. Ang mga ito ang nagbibigay ng kulay sa plema na maaring berde, dilaw, pink o malinaw. Dahil dito, nararapat lamang na idura natin yung plema upang luminis angkatawan at mawala ang anumang impeksiyon na kasama nito.


Ang mga karaniwang dahilan ng pagdami ng plema ay ang mga respiratory infections tulad ng pneumonia, asthma, allergy, lung cancer o side effect ng ibang gamot. Pero malamang allergy yan.

Baka allergic ang anak mo sa isang bagay o pagkain kaya pabalik-balik yung plema niya. Dapat malaman kung ano ito para maiwasan ito at mawala ang plema niya.


Kapag masyadong makapal ang plema at mahirap ilabas, maaari itong makasagabal sa paghinga kung kaya’t nagbibigay ang doctor ng cough expectorants. Ginagamit ito tuwing umaga para sumama sa uboy ung mucus at plema. Subalit hindi ito gamot sa plema. Upang makatiyak, kumunsulta sa isang pulmonologist or ENT specialist.


* * *


May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 42.0800
Bahrain Dinar 111.603
Euro 59.9931
HK Dollar 5.39998
Japan Yen 0.544099
Saudi Riyal 11.2206
S’pore Dollar 34.9677
Taiwan Dollar 1.45876
UAE Dirham 11.4563
UK Pound 68.6971
COLUMNIST OF THE DAY
Parang Todos Los Santos
   
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section